CHAPTER 3

44 5 0
                                        

The First Meet

HEIRA'S POV

Hala anong ginawa niya.”

“Patay na niyan.”

Importante pa naman sakaniya 'yon.”

“Sino ba 'yan?”

“Transferee siguro, ngayon ko lang nakita 'yan eh.”

Yari na.”

“Ang tanga naman niya.”

Natapunan pa naman siya.”

“Hala oo nga.”

“Look at his eyes, he's damn creepy.”

Gulo nanaman 'to.”

Gulo?

Ang daming bulungan sa paligid, bulong nga pero rinig na rinig 'ko. Ang iba ay tatawa tawa pa.

Masaya kayo eh 'no? pesteng bulungan yan!

Wala naman akong ginawa ah, hindi ko naman sinasadya yon. Tinisod ako eh, ang sakit kaya no'n.

Hindi ko na namalayan na lumapit na pala sa akin si Zycheia at tinulungan akong tumayo. Makikita mo sa mga mata niya ang pag aalala.

“Okay ka lang?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Inayos ko ang uniform ko at pinunasan ang duming dumikit sa'kin.

Nag angat ako ng tingin dahil hindi pa rin nag sasalita 'tong lalaki sa harapan ko, gano'n pa rin ang itsura niya. Nakakrus ang braso habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Ang pangit ng aura niya.

Black Aura...

Patay na, sa kanya pala tumilapon yung juice na hawak ko. Basa ang uniform niya, halata ang orange juice sa sando niya. Medyo may talsik din ng juice ang mukha niya.

“Hala s-sorry...” Sabi ko sabay lapit sa kaniya.

Kinuha ko ang panyo sa palda ko at pinunasan ang sando niya, ang bandang leeg niya pati na ang mukha niya.

Kinakabahan ako habang pinupunasan siya. Nanginginig na ang kamay ko.

“Sorry, hindi ko sinasadya.” Bulong na usal ko sakanya habang pinupusan ang mukha niya.

Napatingin ako buong mukha niya, maputi, mahabang pilik mata, brown na mata, matangos na ilong, at yung labi, mapula.

Teka bakit hindi 'to naka complete uniform?

Sinamaan niya ako ng tingin, hindi ko na namalayan na nakatingin na pala ako sa mukha niya at hindi na ginagalaw ang kamay ko para punasan siya.

Napagitla ako ng bigla niyang tabigin ang kamay ko, medyo napaatras pa ako.

Putsang gala! ang sama naman netong makatingin!

“What do you think your doing?” seryosong seryoso ang tanong niya sa akin.

“I'm sorry hindi ko sinasadya.” Nakatungong sabi ko. Nakakahiya.

“Are you stupid?” Tanong niya ulit.

“No, I'm not.”

Nag angat ako ng tingin at seryoso masyado ang mukha niya.

Nagbubulungan na ang iba, pero hindi ko na pinansin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now