Stroll to the mall 2.0
HEIRA'S POV
"Ah, Aling Soling, okay lang po bang kasama na 'tin siya?"
"Oo naman, para may kalaro rin si Rolen.
Pinaandar ko ang kotse, bawal ang mabilis, baka himatayin sila hehehe.
Masaya na ang mukha ni Kenji ngayon, kumpara kanina na napakalamlam ng mata, bagsak ang balikat, at umiiyak.
Alam kong hindi pa siya okay, pero mukhang natuwa naman ang bata dahil sa ginawa ko.
"Hello po Tita Soling!" Bati ni Kenji na kinakunot ng noo ko.
Tita? bagets lang?
"Ang gwapo mo naman, hijo..." Ani Aling Soling.
"Sa'n banda po?" Tanong ko.
"Sa paa." Pang aasar naman ni Eiya.
"Pinagtitripan niyo ko, Yakie!" Nakasimango na reklamo ni Kenji. "Tita Soling, aaway nila ako oh!" Pagsusumbong niya, parang batang inagawan ng chocolates.
"Ate Heira, sino po siya?" Inosenteng tanong ni Rolen, nagtataka pang tinitignan si Kenji.
"Ah, kaklase na 'min siya." Sagot ko.
"Ako si Kenji 'da pogi!" Anang batang singkit habang nakapogi sign tapos nag swag pa, kagat labi ang loko!
"Sa'n po banda ang gwapo ninyo, kuya?" Tanong ni Rolen.
Abay bastos din 'tong bata na 'to.
Natawa naman kami dahil sa sinabi niyang 'yon.
"Gwapo na ang mukha ko, since birth, bata!" Pagmamayabang ni Kenji.
Makabata naman 'to, feeling 60 na Ji?
"Ilang taon na po kayo, kuya?" Tanong ni Rolen.
"piptin na 'ko."
"Mukha mo kayong bente syete!" Sabi ni Rolen.
"Bwahahahaha!" Tawa naming lahat, yung kay Eiya ang pinakamalakas, si Aling Soling ay napapailing pa.
"Mukha ka na raw gurang, Kenj!" Pangangatyaw ni Eiya.
Sumama naman ang tingin ni Kenji, nakacross arm pa, isa isa kaming tinignan, pinakita niya ang deadly stare niya.
"Pinagtutulungan niyo 'ko!" Aniya saka umiyak.
"Hala, hala, woi 'wag kang umiyak!" Sabi ko, tinitignan ko siya sa rear mirror ng sasakyan.
"Hala ka, Rolen, pinaiyak mo, mag susuper sayan niyan 'yan!" Pananakot pa ni Eiya kay Rolen.
Siraulo!
"Hala, kuya, biro lang 'yon." Parang kinakabahan na paumanhin ni Rolen kay Kenji, magkatabi kasi sila. Nakangitna si Rolen, nasa magkabilang bintana naman sina Kenji, saka Aling Soling.
"Hmp!" Singhal ni Kenji, naggagalit galitan.
"Sorry po..." Napayukong ani ni Rolen.
"Joke lang hehehe!" Bawi ni Kenji, tumawa pa ang kulapo!
Naaning na.
"Bati po tayo ah?" Tanong ni Rolen.
"Oo naman, pogi ka pero mas pogi ako!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
