CHAPTER 77

24 3 0
                                        

—Acquittance party—

Sneakers

HEIRA'S POV

Kayden...

Napaamang ako dahil sa nangyari. Alam kong si Kayden 'yon dahil nakita ko ang mukha niya, inirapan pa nga niya ako.

Ano 'yon?

Pagkatapos niya kasi akong iripan, iniwan niya 'kong nakatanga at tulala sa nangyari. Umalis siya agad hindi man lang pinakinggan ang sasabihin ko.

My heart is beating so fast! Natatakot ako baka bigla na lang tumalon 'to at kumawala. Bakit ba gan'to ang nararamdaman ko?

Tsh!

Heira, inhale exhale! Wala lang 'yon. Wala lang talaga 'yon, pinahiram ka lang niya ng coat dahil malamig na at baka sipunin ka dahil sa suot mo.

Yon lang! Nagmamagandang loob lang yung tao.

"Anong ganap 'yon?" And I snapped back matapos kong marinig ang boses ni Eiya.

"Uh... wala lang, pinahiram niya lang ako neto." Mahinang sabi ko habang nakaturo sa coat.

"Bakit daw?" Tanong naman ni Trina.

Napalunok ako nang makitang pinagtitinginan na pala ako... kami ng iba kahit pa may slow music at may nagsasayaw na.

"Sabi niya, lumilitaw daw ang kaluluwa ko." I answered.

Pagkatapos kong sabihin 'yon biglang na lang silang natawa. Anong nakakatawa?!

Pinagtaasan ko sila ng isang kilay.

"Kaya naman pala pinahiram ka eh! Baka nadistract." Sabi ni Alzhane.

Mas nagtaka naman ako. Sinasabi neto?

"O baka naman takot siyang baka mapulmunya ka?" Natatawang tanong ni Eiya.

"Akala ko ano na eh." Sabi naman ni Hanna.

Tumawa silang lahat at nag-appear-an. Mukhang pinagtutulungan nila ako ah. Inambahan ko sila ng hampas kaya tumigil sila.

"Ah... feelingera akala niya meron nang meaning 'yon." Parinig ni Madison.

"Ah... umaasang mangyayari sa kaniya 'yon." Parinig ko rin sa kaniya.

Hindi kita aatrasan, ulowl!

"Ako ba ang pinariringgan mo?" Sa isang iglap, nasa harap ko na siya at nakapamewang habang nakasunggab sa mukha ko.

Umatras ako, umayos ako ng tayo tsaka tumingin sa kaniya.

"Bakit? Natamaan ka?"

Gusto kong hampasin ng malakas ang bibig ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Lumalabas na na naman ang kademonyohan ng bunganga ko kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon