(A/N: Still a flashback.)
Pag-iwas
SHIKAINAH'S POV
"Do'n na lang tayo sa likod ng building natin." Sabi ko tsaka hinila ang kamay ni Madison.
"Teka! Teka! Wait lang, hindi mo man lang hihintayin si Xavier? Sabi niya ililibre niya tayo ng lunch!" Sabi niya habang nagpupumiglas.
"May baon ako, pinagbaon na rin kita." Sabi ko tsaka ko siya hinila ulit.
Nakita ko kasing papalapit sa room namin sina Xavier at Vance kaya naman dumaan kami sa kabilang daan. Simula ng marinig ko ang usapan nila kahapon ay may napagtanto ako, hindi ko dapat ipagpalit ang pagkakaibigan namin sa nararamdaman kong hindi... sigurado.
Hindi pa nila kami nakikita kaya naman alam kong hindi nila kami masusundan, nakita ko lang naman ang mga benches sa likuran ng building noong isang araw na magwalis ako. Maganda ang lugar at may mga puno, may iilang bangko na natatakpan ng mga tuyong dahon.
Siguro tama rin ang mga kaibigan ni Xavier... umiwas muna kahit mahirap kaysa naman mawala ang binuo niyong pagkakaibigan. Mas gusto ko munang mag-iwasan muna kami sa sandaling panahon kaysa sa mawala siya sa buong taon.
Hinihingal akong umupo sa bangko, may isang lamesa sa harap namin, pinagpagan ko na iyon kaya naman pwede ng upuan at patungan ng gamit. Agad na sumalubong sa 'kin ang hangin na mahirap higalapin sa loob ng room o sa canteen o kahit pa sa library.
The wind always makes me feel better.
"Anong ginagawa natin dito? Balik na tayo sa canteen!" Reklamo ni Madison habang inaayos ang unipormeng nagusot dahil sa pagkakabangga sa mga estudyanteng aming nadaanan kanina.
"Dito muna tayo pansamantala... pero kung gusto mo roon, sige ako na lang muna rito." Sambit ko bago buksan ang bag ko at ilabas ang dalawang lunchboxes.
Pinlano ko na lahat ng ito... inisip ko na rin buong gabi kaya nga hindi ako masyadong nakatulog dahil doon. Iiwas muna ako hanggang mawala na ang nararamdaman ko. Maibabalik naman siguro ang pagkakaibigan namin kapag natapos ang pag-iwas ko, mabait naman at mapag-intindi naman si Xavier.
Iniabot ko kay Madison ang isang lunchbox. May laman iyong adobo at kanin, ako mismo ang nagluto dahil iyon lang naman ang alam kong lutuin dahil iyon ang itunuro sa akin ni mama.
"Wow! Ikaw ang nagluto nito?" Excited na tanong niya bago umupo sa tabi ko.
Tumango ako. "Hindi ako nakatulog masyado at maaga akong nagising kaya naman nagluto ako... naisip kong baka gusto mo rin kaya naman pinagbaon na kita."
Totoo iyon, mga alas singko pa lang yata ay gising na ako at hindi na makatulog kaya naman naisipan kong magluto, tulog pa naman si mama, ayaw ko siyang gisingin kaya ako naman ang nagluto.
Alam kong paborito ni Madison ang adobo kaya naman dinagdagan ko ang niluto ko, para na rin may makaing almusal sina mama't papa, nagsaing na rin ako.
May mga ingredients naman sa refrigerator, may kalahating kilong manok naman kaya iyong ang karneng ginamit ko. Dinagdagan ko ng dahon ng laurel kaya naman mabango ang amoy noon.
Binuksan niya ang lunchbox at tsaka niya nilanghap ang pagkain, mainit-init pa iyon dahil nakalagay ang mga lunchboxes na iyon sa isang malait na thermal bag.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
