CHAPTER 79

19 1 0
                                        

—Acquittance party—


Kalabog

HEIRA'S POV

"Balik na tayo sa room..." Pang-aaya sa 'kin ni Kenji.

Kakatapos niya lang kumain, mukhang hindi na makatayo dahil sa kabusugan niya. Panay din ang paghikab niya, mukhang inaantok na.

"Magpahinga ka muna, baka bangungitin ka. Katakawan mo kasi!" Sabi ko sa kaniya.

"Inaantok na kasi ako!" Pagpipilit niya.

"Saglit lang, hayaan mo munang bumaba yang kinain mo."

Ang mga kasama ko, eto. Mukhang lasing na hindi. Nakadukmo sa lamesa, pagod na pagod at inaantok.

Nang-aya na nga kanina si Hanna pero sabi ng iba, patapusin na raw ang party. Nakakatakot daw sa room dahil nag-iisa yun sa building namin.

Bukas naman ang lahat ng ilaw, bakit sila matatakot? May magbabantay daw sa 'min na mga teachers, baka raw may mangyaring hindi kaaya-aya.
Magkakaklase pa naman daw ang ibang magjowa. Ano kayang gagawin nila no'n?

Hindi kami kumpleto ngayon. Hindi namin alam kung nasa'n ang iba. Iilan lang kaming nagpapahinga rito. Ni hindi ko nga nakita ang presensiya ni Shikainah, kahit anino wala. Baka hindi umattend o baka kasama niya yung mga kaibigan niyang binaback-stab siya.

Nagpaalam muna ako sa kanila na mag-c-cr ako. Hindi naman ako mag-wiwiwi. Kukuhanin ko lang ang cellphone ko sa bulsa ng jogging pants ko. Maglalaro muna ako ng flappy bird habang hinihintay sila.

"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try..."

Pagkakanta ko. Dinidistract ko kasi ang sarili ko. Ang dilim kaya ng dinadaan ko ngayon, dapat pala nagpasama na lang ako kay Eiya, pero hindi ko naman mapipilit yun. Antok na ang diwa niya eh.

"Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way... When they're closing all their doors... They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway..."

Pagpapatuloy ko, kinanta ko lang naman 'to dahil narinig kong yun ang nakaplay ngayon sa speaker ng covered court. Slow music.

"Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life..."

Naalala ko tuloy yung kanina. Sinabunutan ko ang sarili ko at bumuga sa hangin. Nakakabaliw naman kasi lahat ng nangyayari ngayon! Bagsak ang balikat ko habang patuloy sa paglalakad. Napasimangot pa 'ko dahil nakalimutan ko ang dinaanan ko kanina.

Sa'n na ba yun?

"Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round... But don't let it bring you down... And turn your face into a frown... You'll get along with a little prayer and a song..."

Nabuhayan ako nung makita ko ang c.r na pinasukan ko kanina. Sana lang wala ro'n yung mga impakta. Patakbo akong pumasok do'n dahil kinikilabutan na 'ko sa dinadaanan ko.

May mga babaeng nando'n. Nagtatanggal ng make-up tsaka nakapantulog na. Required ba talagang magpalit ngayon? Wala pa naman akong dala!

Pumasok ako sa isang cubicle. Narinig ko naman ang paglabas nung mga nakita ko kanina. Tinaas ko ang suot ko tsaka binukas ang zipper ng bulsa ng jogging pants.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now