CHAPTER 22

29 4 0
                                        

Ghoti

HEIRA'S POV

"Oooh, nice legs, puti..." Jharylle said.

Hinubad ni Asher niya saka pahagis na pinatong sa legs kong nakabandra. Hindi pa rin ako makatayo ng maayos, ayaw makisama ng katawan ko.

Kakaatras ko kasi kanina, nabigla yata ang mga paa nang bangko ko, kaya ayon nabigtan yata kaya bumingay.

Tuloy-tuloy akong bumagsak sa sahig kasama ang upuan ko, buti na lang talaga hindi nasabit ang paa ko sa pang upo ng upuan kaya hindi nila nakita ang hindi dapat makita.

Kaya eto ako ngayon, nakatungkod ang isang kamay sa sahig, ang isa ay nasa balakang ko, ang sakit. Medyo tumaas ang skirt ko, masaba ang shorts ko kaya panatag ako.

Inalalayan ako ni Kenji tsaka ni Eiya na tumayo, hawak ko pa rin ang balakang ko, hindi pa nga ako nakakaget over do'n sa pagkakadulas ko sa cr tapos ngayon na nanaman.

Maawa naman kayo sa bewang ko!

Tumayo ako tsaka ko hinarap ang kulapo, ang iba ay tumatawa. Pagtawanan niyo lang ako sige, lintek kayo!

Wala na ulit siyang reaksyon. "Sasagutan mo na bang ang mga 'to?" Sabay lahad sa mga test papers.

"Kanina ka pa ah, sarap mong isubsob sa sahig— Hmmmmmp!" Inaambahan ko siya ng kotong pero pinigilan ko ang sarili ko nung ngumisi siya! "Eiiiissshh, akin na!" Sabay hablot sa mga test papers na hawak niya.

"Yown!"

"Pasado na!"

"Ang galing mo, Kayden!"

"Salamat, Yakie!"

"Takot pala siya kay Ace eh!"

Bulalas ng iba, kumuha ako ng bagong upuan tsaka umupo sa pwesto ko na parang walang nangyari. Tumingin ako sa wallclock, one hour and fifteen minutes na lang ang oras, ang dami pa naman netong mga 'to.

Sinagutan ko muna ang akin, 30 questions lang naman ang quiz kaya mabilis kong natapos yung akin. Saka ko inumpisahang sagutan ang mga iba. Unang una pa ang pangalang...

Kayden Ace Williams

Napasapo ako ng noo ng makitang iba-iba pala ang mga questions, tinignan ko pa ang ibang test papers, wala ni isang magkakaparehong questions!

No cheating daw tapos iba-iba ang mga questions, ayos ka rin ma'am, proud ako sayo!

Kumuha ako ng papel at do'n sumagot, ililipat na lang nila sa test papers nila dahil baka mahalata kami, ako pa papagalitan.

"Oh, kulapo, tapos na ang sayo." Sabay bigay kay Kayden ang test paper pati na rin ang papel na may sagot. Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Baka gusto mong ikaw na lang maglipat ng mga sagot 'no?" Sarcastic na sabi ko, hinablot naman niya 'yon.

Sampong minuto bago ko matapos ang kay Vance. "Oh!" Abot ko sa kaniya sa test paper niya, nginitian niya lang ako ng nakakaloko.

Sunod ang kay Elijah. Inabot ko lang 'yon, hindi ako nagsalita baka sungitan niya lang ako. Tinitignan niya muna ako bago kuhanin ang papel niya.

May dumi ba 'ko sa mukha?

Tinapos ko naman ang kay Mavi. "Oh, tapos na!" Abot ko, lumapit siya sa 'kin tsaka niya 'ko yinakap ng MAHIGPIT habang nakaupo ako.

Imaginin niyo na lang.

"Thank you, Yakie!" Sabi niya ng humiwalay siya sa yakap, pumalakpak pa ang abnoy.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now