Confessions 2.0
HEIRA'S POV
Ay ewaaaan! Ang gulo! Nakakasakit ng ulo.
"Hoy! Kanina ka pa tulala riyan. Anyare sayo?" Tanong sa akin ni Trina. Kumaway pa siya sa harap ng mukha ko kaya naman nabalik ako sa reyalidad.
Nasa canteen na pala kami. Hindi ko na napansin na lunch break na pala namin. Parang kanina lang ay sinesermunan kami ni Sir You este Sir Raquesta dahil walang nakikinig sa kaniya.
Mas nagalit pa siya sa 'min ng tumawa ng malakas sina Xavier at Vance dahil sa pagpiyok niya. Ang bilis kasi magsalita ayan tuloy napiyok.
Siraulong mga hudlong, imbis na tumahimik mas humalakhak pa sila dahil natawa lang naman KAMI sa pagtawa ni Xavier na parang nanghihingalong aso ang tunog.
Hindi lang pala sila, kami pala 'yon, kasama ako ro'n. Nagmuni-muni lang naman ako kanina tapos bigla silang tumawa kaya naman nakisali na rin ako.
Dahil lutang ako sa kakaisip ng mga advice ni Eiya, hindi ko na narinig ang mga dinidiscuss ni Sir Raquesta, yung sermon niya... yung piyok lang talaga yung narinig ko.
Sorry na, sir.
Ang ending, zero kami sa quiz tapos late pa kaming pinalabas para sa lunch break. Sayang naman yung nireview kagabi. Nagreview ba 'ko kagabi? Hindi yata.
"Hello?! Kahit crush mo pa lang siya, dapat may gagawin ka na, baka maunahan ka pa ng iba."
"Hello?! Kahit crush mo pa lang siya, dapat may gagawin ka na, baka maunahan ka pa ng iba."
"Hello?! Kahit crush mo pa lang siya, dapat may gagawin ka na, baka maunahan ka pa ng iba."
Natakpan ko ang tainga ko dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa pandinig ko ang mga sinabing 'yan ni Eiya. Wala talagang magandang dulot kapag si Eiya ang nagsalita.
Anong gagawin ko? Kidnappin ko, gano'n? O kaya sapakin ko o kaya tadyakan, para masaya. 'Yon lang ang alam kong gawin pero hindi ko itutuloy, baka bigla niya na lang akong suntukin.
Take note, Heira. Member siya ng gang.
"Hala, Xav. May kilala ka bang taga mental?" Narining kong bulong na tanong ni Vance, nanginginig pa kunwari ang boses niya. Kunwaring natatakot.
"Oo meron," Sagot ni Xavier kaya naman napalingon ako sa kanila. Kinuha niya ang cellphone niya at kung may ano-anong kinalikot. "HELLO, LTFRB. Magpadala po kayo ng nurse dito kasi may naliligaw na baliw dito. O kaya naman, pulis na lang baka nag-aaddict 'tong nasa harap namin." Sabi niya habang nakalagay ang cellphone niya sa tainga niya.
Ngumiwi naman ako tsaka ko sila pinagkunutan ng noo. "Pinagtitripan niyo ba 'ko?" Nanghihinalang tanong ko sa kanila.
"Hala, 'dre, nagsalita. Pakinggan mo nga, baka nasasaniban na siya." Bulong ni Xavier tsaka binunggo ang braso ni Vance gamit ang braso niya.
"Tulungan mo 'ko, dalhin natin simbahan." Tumayo si Vance.
"Wag na, baka masunog siya." Sabi naman ni Xavier tsaka tumayo.
Dahan-dahan silang lumapit sa 'kin tsaka hinawakan ang magkabilang braso ko. Ano nananamang trip 'to? May tililing na yata ang mga 'to.
"Bitawan niyo nga ako!" Inis na sabi ko habang nagpupumiglas sa kanila.
"Idadala ka namin sa mental hospital, mas maalalagan ka roon. Kaibigan ka namin kaya naman gusto naming umayos ang buhay mo." Madramang sabi ni Vance, umakto pa siyang nagpupunas ng luha gamit ang likod ng palad.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
