CHAPTER 17

32 4 0
                                        

Stroll to the mall

HEIRA'S POV

6:00 A.M

Maaga akong nagising hindi dahil sa alam kong aalis kami kundi doahil sa malakas n bangayan ng mga nasa kabilang bahay. Ang aga aga nag aaway. Ang sakit sa tenga ng...

"Ano bang gusto mo ha?!" Sigaw nung babae.

"Pagkain, ma!" Sagot nung lalaki.

Ako rin gusto ko rin!

"Aba, bakit hindi ikaw ang magluto ng pagkain mo, may frozen goods naman sa ref!"

"Ma naman!"

"Pagkagising mo puro ka na lang selpon, selpon, selpon, hindi mo na nirespeto ang pagtatrabaho ko — ratatatatatatatat, bogsh, bogsh, bengbeng, ratatatatat!"

Walang barilang naganap, sa haba ng sermon nung nanay siguro 'yon ay hindi ko na maintindihan, kaya 'yon na lang.

No choice kung hindi bumangon, nakakahiya naman sa kanila hindi yata sila makaramdam na may humihilik pa, kung makasigaw wagas parang wala ng bukas!

Bakit ba kasi dito pa naisipan ni mommy na lumipat, hindi man lang sa tahimik!

Maingay ka rin naman.

Tahimik ako uy, wag kayong ano! Medyo lang naman!

8:00 A.M pa lang naman ang usapan namin para mamasyal, bumangon ako, naghilamos at nagsipilyo na lang muna ako, mamaya na 'ko maliligopara fresh.

Bumaba ako para mag almusal, sakto namang tapos ng magluto ng pancakes saka bacon si Aling Soling.

"Oh, hija, ang aga mo naman?" Tanong niya.

"Ah, wala po, nabulabog kasi."

"Nabulabog?"

"Wala po hehehe."

"Hay nako bata ka, oh siya kumain kana muna."

"Sabay na po kayo."

"Hindi na, nagkape na ako kanina, hindi ako sanay na mag almusal ng gan'to kaaga."

"Sige po, nasa'n po pala si mommy?" Tanong ko saka kumuha ng dalawang pancakes saka tatlong bacon, may hot chocolate pa 'ko.

"Maagang umalis, may kukunin lang daw siya, babalik na rin siguro siya mayamaya." Paliwanag niya.

"Sige po, ako na lang po ang maghuhugas ng pinagkainan ko, magpahinga muna po kayo."

"Hindi na hija, sige kumain ka na lang d'yan ako na ang bahala sa hugasin."

Hindi na ako nagpumilit pa. "Okay po."

Kumain na lang ako, naeenjoy ko ang pagkain ko. Ano kayang pwedeng gawin mamaya? Saan kami pwedeng mamasyal? Anong pwedeng kainin?

Naka apat akong pancakes saka anim na bacon, hindi ako gutom, sadyang malakas lang akong kumain.

Nung matapos ako ay iniwan ko na lang sa sink ang mga ginamit ko dahil iyon ang sabi ni Aling Soling. Umakyat ako ng kwarto para magpahinga.

Tatawagan ko sana si Zycheia para tanungin kung gusto niyang sumama sa 'min mamaya pero busy ang line niya kaya tinext ko na lang siya.

To: 09*********

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon