(A/N: Aayusin ko pa po ang ibang mga chapters, wala akong babaguhin, ibobold ko lang po yung mga dialogue nila. Pasensiya na kung nahihirapan kayo sa pagbasa dahil hindi nakahighlight ang mga iyon. God bless :> )
*****
Cleaners
HEIRA'S POV
"SIRAULO ka?" Pinikit ko ang noo ni Kenji. "Nag-iwan ka pa talaga ng pasabog dito!" Panenermon ko.
Kaya pala nawala siya kanina kasi tumakbo siya papunta sa c.r. Nag-alburoto yata ang tyan niya kaya hindi niya na napigilan. Inilabas niya na yata lahat ng nilamon niya kagabi.
Tawa pa rin ng tawa ang mga kasama ko ngayon. Hindi ko alam kung ako ba o si Kenji ang pinagtatawanan nila. Pinagtitripan yata ako ng mga 'to eh.
"Masakit na ang tyan ko eh!" Depensa niya bago kumamot sa ulo.
"Sana sa labas mo na lang binuga ang masamang hangin!"
Halos hindi na kami makahinga dahil sa ginawa niya. Paunahan pa nga kaming lumabas ng room dahil sa bantot ng utot niya.
"‘Di ko na matiis eh!" Sabi niya tsaka tumawa.
Buang!
"Ji..." Bulong ko sa kaniya.
Nababaliw na yata ang mga kasama namin o sinapian ng pitong demonyo? Kanina pa sila humahagalpak, walang tigil 'yon. Titignan nila ako tapos tatawa sila. Gago lang?
"Bakit?" Bulong niya rin.
"Bakit sila tumatawa?"
Tinignan niya 'ko bago siya humagalpak. Tignan mo 'to, nagtatanong ako eh, tinawanan din ako. Ang titino ng mga 'to, hindi halatang galing ng mental hospital.
Binatukan ko nga siya. "Ano nga kasi 'yun?!"
"Hindi mo nakikita ang mukha mo?" Tanong niya.
Ngumiwi naman ako, pa'no ko makikita ko ang mukha ko kung ang mismong mata ko nakadikit do'n.
Wait!
Mirror! Mahiwagang salamin. Yung salamin lang ang makakatulong sa 'kin. Ngayon natin malalaman kung anong ikinatutuwa niyo sa face ko. Mga bwiset kayo!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan sa screen ang mukha ko... Halos malaglag ko na 'yon dahil...
"Aaaah! Bakit may aswang?!" Sigaw ko nang makita ko ang sarili ko screen.
Bakit hindi ko ba kasi tinignan ang sarili ko sa banyo kanina? Ang laki-laki ng salamin do'n tapos hindi ko napansin ang mukha ko?! Shunga!
"Bwahaha! Ngayon mo lang nakita ang mukha mo 'no?" Natatawang tanong ni Alzhane.
"Kanina ka pa namin tinignan, bakit ba kasi hindi mo inalis ang make up mo?" Tanong naman ni Eiya.
Lumapit naman sa 'kin si Hanna. "Ate yung mascara mo kumalat, parang tiktik ka tuloy ngayon." Sabi niya pa.
Tiktik daw?! Mukha bang mahaba ang dila ko at mangangain ng bata?
"Para kang broken hearted na umiyak magdamag dahil iniwan ng babaerong jowa!" Pang-aasar naman ni Trina.
Ang pangit nga! Yung make up na black ay natunaw at kumalat sa pisngi at mata ko. Yung lipstick ko medyo lagpas na rin. Napanguso ako dahil hindi ko alam kung paano ko tatangglin 'to.
Sa tubig nga kumalat, sa alcohol kaya? May make-up removal ba? Kahit hindi na 'ko magmake up sa susunod basta matanggal lang 'to. Ayoko na talaga sa mga kolorete na 'to, baka madurog ko yung mga gamit ni mommy kapag nakita ko!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
