Halik
HEIRA'S POV
Pa'no na 'ko neto? Maglalakad na lang ako? Ang layo nun. Masakit sa paa. Wala kasi ang bike ko, lintik naman kasi! Gusto kong hiramin ang kotse ni mommy kaso aalis daw siya.
No choice ako.
Mula sa bahay namin hanggang sa gate ng subdivision namin ay naglakad ako, wala namang dumadaang tricycle dito 'no. Galante ang mga kapit-bahay namin.
Ako lang mag-isang naglakad. Walang kasabay dahil wala naman akong schoolmate na nakatira dito sa malapit. Puro matatanda.
Ilang metro rin siguro ang nilakad ko. Malamig na hangin ang sumasalubong sa 'kin. Parang may hamog at alikabok pa nga eh. Nakakasakit sa ilong.
Hinayaan ko na lang yun, lakad takbo ang ginawa ko para mapabilis ang pagahahanap ko ng masasakyan. Malelate ako neto kung magbabagal pa 'ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko. Saglit pa muna akong huminto para basahin ang text ni Kenji.
From: Kenji banana
Wer na u?🤨
Natawa ako dahil sa emoji niya. Habang naglalakad ay nagtetext ako. Sa tabi naman ako ng daan kaya hindi naman siguro ako mabubunggo.
To: Kenji banana
Daan. Lakad.
Tumingin ako sa dinadaanan ko. Nasa kalahati pa lang ako. Bakit ba kasi ang layo ng bahay namin sa entrance? Pwede naman kasi dito lang sa guard house para mas malapit. Char.
From: Kenji banana
L8 kna😏😏😏
Parang siya rin si mommy kung magreply eh. Kulang kulang sa letters.
To: Kenji banana
Hayaan mo, pers tym ko pa lang malate. 😎😎😎😎
Ginaya ko na lang siya. Nakakaaliw pala kapag gan'to ang typings 'no? Parang galing lang sa bundok.
From: Kenji banana
May dala ka fuds?
To: Kenji banana
Hindi ko dala ref namin, sayang.
From: Kenji banana
Nandyan naman mahiwagang bag mo.
Napahagalpak na lang ako sa tawa habang binabasa ang text niya. Alam na alam talaga niya na may pagkain ako sa bag— ARAY!
Napahawak ako sa noo ko dahil sa malakas na pagtama no'n sa isang matigas na bagay. Hindi pala bagay. Tao! Tao! Taong animal. Bigla-bigla na lang susulpot!,
Tumama kasi ako sa likod ng isang lalaki. Ang laki ng katawan niya tapos ang tigas ng likod niya. Bakal ba 'yan o bato?
Humarap siya sa 'kin, nanlaki ang mga mata ko nung makita kong si Nicholai yun!
"Shit!" Bulong niya nung makita ako. "I'm sorry, hindi ko napansin." Aniya habang nakatingin sa noo ko.
Sigurado akong namumula na 'yon. Nginiwian ko siya dahol ang OA niya.
"Ayos lang, bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang humihinto?" Inis na sabi ko.
Jeep ka ba ha? Bigla-bigla ka na lang pepreno.
"Teka, I know you!" Napatalon pa siya ng makita ako, dinuro pa ko.
"Anong pangalan ko, sige?" Panghahamon ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
