Queen of the Ring
HEIRA'S POV
Ang sakit ng katawan ko, nabigla ata dahil sa general cleaning ko kanina, kwarto ko nga winawalis ko lang tapos yung kulapo na 'yon, arrrrgh! nevermind!
“Oh, nandito ka na pala?” Tanong ni mommy na nasa bungad na pala ng pinto, hindi ko napansin.
“Opo.” Sabi ko na lang saka ko siya hinalikan sa pisngi.
“Bakit ba mukha kang lantang gulay?”
“Pumasok po akong kasambahay.”
“Ha? Kasambahay?”
“Ah, a-ano... wala po yon mommy.” Nag aalangang sagot ko.
“Magmiryenda ka muna, hintayin mo 'ko dyan.”
“Sige po.”
Ano bang ginawa ko sa pesteng 'yon at ginano'n ako? Sinapak ko lang naman siya, hindi naman 'yon masakit eh.
Umupo ako sa sofa, pinapaalis niya 'ko sa section nila, eh ayoko, manigas ka hehe.
“Kumain kana muna at mukhang malalim ang iniisip mo.” Ani mommy na may dalang buko pandan.
Uyy, pagkain!
“Mommy...”
“Hmm?”
“Inilipat po pala ako ng section, kaming dalawa ni Eiya.”
“Eh, bakit?”
“Tutulungan daw po naming mag improve yung ibang students.”
“Oh, mabuti naman, wala ka naman bang kawaay do'n?”
Ayan na nanaman eh.
Meron po!
“Wala, wala po ah!” Depensa ko.
“Mabuti kong gano'n, ayaw ko lang na baka ipatawag nanaman ako sa school niyo dahil naghampasan na kayo ng raketa ng kaklase mo.”
Sumimangot ako, lagi na lang nila akong pinaghihinalaan, psh. “Mommy naman...”
“Nako bata ka, tapusin mo na 'yan, ilagay mo na lang yung mga pinagkainan sa sink, hayaan mo na do'n.” Umiiling na sabi ni mommy saka na siya bumalik ng kwarto niya.
Trabaho na na naman...
Umakyat ako sa kwarto at nagpunta ng banyo para maligo. Pa'no ko ba nagawa yung mga nagawa ko dati? Pa'no ko nagagawang labanan at makipaglaban sa kanila?
Paano... basta ang alam ko, may pumapasok sa utak ko kaya parang nawawala ako, mga alalang hindi maganda na hindi ko alam kung saan nagmumula...
Hindi ko na alam...
Arghhh, ang sakit!
Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit na naman ito habang iniisip ko ang nangyari dati.
Nagbihis ako at humiga. Nakatulog na ako na hindi kumakain, dahil na rin siguro sa pagod.
Kapag may kasunod pa yon, ingungudngod kita sa lupa, bwisit ka kulapo!
Kinabukasan, may P.E class kami kaya dapat dala namin ang P.E uniform namin, magpapalit na lang.
“Mommy, aalis na po ako!” Sabi ko saka ako kumaway na lang.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
