Reward?
HEIRA'S POV
Shunga, mulala!
Sa grand walk out na ginawa ko kanina, hindi ko na napansin na hinfi ko pala dala yung bag ko palabas. Shunga lang?
Bumalik kami ng room pagkatapos kumain, isang paa pa lang ang nakapasok sa loob ramdam ko na ang mabigat na awra.
Nung tuluyan na akong makapasok nasalubong ko agad ang masasamang tingin ni Uno kulapo!
Joke lang yung kanina eh, 'di ko sinsadya!
Joke lang? Di mo sinasadya? Pero sinuntok mo siya, tapos hindi mo sinasadya?
Utang na loob, konsensya 'wag kang pakealamera!!
Lalamutin ka niyan, ipapain ka sa Friday the 13th!
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko, putragis nababaliw na ata ako!!
"Hoy, anyare sa'yo, Yakie?" Tanong ni Kenji na nasa harap ko na pala, pinipitik ang daliri.
"Nababaliw na yata ako, Ji!" Sagot ko sa kaniya habang yinuyugyug siya.
"Ngayon mo lang nalaman?" Tanong niya habang natatawa pa.
"Ji, gusto mo ng batok?" Sabi ko tsaka ko siya inambahan, tumakbo naman siya papunta sa upuan niya.
Umupo ako pwesto ko pero napansin kong napakaayos ng bag ko ngayon, hindi na siya gusgusin na parang binalibag lang sa may upuan ko, walang lukot. Himala!
Pumasok ang history teacher namin na pagkasungit - sungit. Kahit kanino masungit lalo na sa mga boys.
"Mr. Ponciano, who was the wealthiest man to ever live in history?" Bungad ni Miss Jones kahit pa nasa bungad pa lang siya ng pinto.
Atat lang ma'am?
"Siya." Turo niya kay Kayden Ace a.k.a uno kulapo!
"I'm serious about my question,
Mr. Ponciano." Masungit na sabi ni ma'am.
"Tsh." Singhal niya na lang at umupo. Mabigat siguro ang pwet niya.
"Mr. Romero answer my question." Baling niya kay Maurence na ngayon ay parang timang hawak ang bola niya. "Mr. Romero!" Sigaw niya ulit.
"Yes, ma'am, yes!" Nagsaludo pa si Maurence.
"Answer my question." Mataray na sabi ni ma'am. Tinaas pa ang salamin niya.
Kamukha niya si Miss Minchin!
Joke lang, ang bad ko hehe.
"Patay na po siya hindi ba?" Kamot batok na tanong ni Maurence.
"Yes."
"Hahanapin ko muna po yung puntod niya, baka ginto 'yon!"
Lokong 'to!
"Gerawwwt!"
Get out daw, you gerawwt!
"Eh, ma'am?" Napapakamot ulo na lang na sagot niya.
Sira ulo ka kasi eh!
"Get out or will I drag you out?!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
