Bibe
HEIRA'S POV
"Ang bilis namang maubos? Ang daming binili nina Xavier kanina ah?"
Tanong ni Eiya, kahit ako nagtataka na rin, ang bilis pa lang maubos no'n.
Nagkibit balikat si Asher. "I looked in the refrigerator but I couldn't find anything there, wala na rin dito sa palanggana." Sabi niya.
"Sure na kayong wala na?" Tanong ko, "eto po, twenty five pesos po lahat." Baling ko sa bumibili sa harap ko, kinuha ko ang bayad niya bago bumaling sa mga kasama ko.
"Wala na, Yakie, ubos na, ang galing natin!" Pumapalakpak na sabi ni Kenji. "Ang galing ko talagang maghanap ng customers!" Dagdag niya pa tsaka pinakita pa niya ang imaginary muscles niya sa braso.
"Eh, pa'no naman tayo pupunta do'n?"
"Maglalakad, lapit lang naman niyan oh." Sagot ni Asher.
"Ang ibig kong sabihin, sa kaha muna tayo kukuha ng pambili? Baka pagalitan tayo ni lola."
"Hindi niya gagawin 'yon, at isa pa, ako na lang ang magbabayad ng bibilhin natin." Normal na sagot ni Asher, walang halong pagmamayabang.
"Galante talaga oh!" Pang aasar ni Xavier.
"Shut up."
"Gusto mo ng kape?"
"Sure, kung igagawa mo ba 'ko, bakit hin—."
"Gusto mo pala eh, gawa ka, kaya mo na 'yan, 'dre, matanda kana." Nakakalokong putol ni Xavier sa sinasabi ni Asher, ngumiwi na lang ang isa sa kaniya.
"Last na lang 'tong mga nasa tuperware." Sabi ni Timber habang tinitignan ang mga paninda namin.
"Ang aga pa ah, ang bilis namang maubos?" Takang tanong ko.
"Mag aalas dose na, hindi na maaga." Pambabara ni Eiya.
"‘Yon na nga eh! Alas dose pa lang pero ubos na, hindi manlang umabot hanggang mamayang alas singko."
"Hayaan mo na, kesa naman sa hindi maubos 'no, bibili naman si Asher, diba Ash?" Tanong ni Eiya tsaka kinindatan si Asher.
"Yeah, she's right, don't worry about that." Sagot ni Asher, may hawak na na naman siyang tasa.
"Eh bakit nagkakape ka? Ang init-init oh." Reklamo ko kahit hindi naman ako ang umiinom no'n, feeling ko kasi ako ang naiinitan sa ginawa niya. Hindi mo man lang makikitaan ng bakas ng init sa katawan niya, walang pawis.
"‘I like this, pake mo?" Mataray na sagot ni Asher.
"Nakakatulog ka ba d'yan, ‘dre?" Nakangiwing tanong ni Xavier, mukhang pareho kami ng pakiramdam sa ginagawa ni Asher. "Puro ka kape eh."
"Parang hindi ka naman sanay sa kaniya." Sumulpot si Vance sa likod niya.
"Bakit ka nandito? Balik ka do'n!" Pagmamataray sa kaniya ni Eiya.
Inirapan niya si Eiya. Nasapo na lang ng kamay ko ang noo ko dahil sa kawirduhan ng mga lalaking 'to. Ang mga kaklase ko kasing 'to parang babae lang, kung makairap wagas, kung makapagsungit wagas, kung magreklamo wagas, kung mag ingay at magdaldal wagas. Mas weird pa nga yata sila sa mga babae eh. Mas siraulo pa.
"Ang dami na naming benta!" Pagmamayabang ni Vance.
"Ano ka 'dre? Paubos na ang sa 'min. Ayahaaay! Talo kayo!" Sabi ni Xavier.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
