CHAPTER 46

24 4 0
                                        

Sapilitan

HEIRA'S POV

"Lahat ba kayo ay tutulong?"

Tanong ni lola Nersiles, pinaupo niya muna kami, sa istura niya, mukhang pagod na pagod na siya pero pinipilit niya pa ring kumilos.

"Kung may maitutulong po kami, why not?" Masiglang patanong na sagot ni Trina.

"Tsaka po, wala naman kaming gagawin!"  Sagot naman ni Eiya.

"Nako, eh salamat naman sa inyo." Sabi naman ni Lola Nersiles, nagpupunas pa ng kamay sa apron na suot niya.

Gaya ng dati, iilan lang ang costumers ngayon sa karinderya, mabibibilang ko lang sa mga daliri ko. Tahimik at parang walang buhay ang paligid.

Natatandaan kong sinabi ni Alexis na ang mama niya ang talagang namamalakad nitong lugar na 'to, nung maospital siya ay nawalan na ng benta.

Ang lola niya na ang nagbabantay at nagbubukas ng karinderya nila, siguro nag iba na rin ang panlasa ng mga tao dito — customers. Iba na ang nagluluto sigurado akong nag iba na rin ang lasa ng bawat putahe nila.

Ang sabi rin ni Alexis, iilang uri na lang ng ulam ang niluluto ng lola niya, dahil matanda na ay bawal ng biglain ang sarili niya, nakikipagsapalaran lang silang buksan 'to para sa panggastos nila sa hospital.

Natikman ko na ang luto ng lola ni Alexis, masasabi kong masarap talaga siya, ang kay mama niya naman ay hindi pa kaya hindi ko pa alam ang pinagkaiba ng mga luto nila at kung bakit walang costumers na pumupunta.

"Ayos lang ba talaga sa inyo?" Parang nahihiyang tanong ni Lola Nersiles.

Nginitian ko siya. "Oo naman po, 'wag na po kayong mag alala." Sagot ko tsaka tumango.

"Nako, ha! Alexis, apo, baka pinilit mong pagtrabahuhin ang mga ito ha!" Parang nanenermon na sabi ni lola kay Alexis, natawa naman kami.

Napakamot ulo na lang si Alexis, mukhang nahihiya sa sinabi ni lola. "Lola naman..." Sabi niya, kaya mas natawa kami, wala pang sinasabi ang lola niya parang umaatras na siya.

"Voluntary work po 'to, grandma!" Sabat ni Kenji, may hawak ng sandok ang hudlong.

"Hoy! Nangengealam ka agad ng gamit ha!" Saway ni Alexis.

"Alexis, ano ba..." Pananaway din ni lola sa kaniya, pinalo pa ang kamay ni Alexis na nakaduro kay Kenji.

Pinitik ko ang noo ni Kenji, "sa'n mo na na naman nakuha 'yan?" Nakapamewang na tanong ko.

"Doooon!" Turo niya sa pintuan papuntang kusina.

"Napunta ka do'n?" Tanong ni Eiya, tumango naman siya. "Agad?" Dagdag pa niya.

"Opkors, oo naman yes!" Sagot naman ng batang ewan ko kung ano dahil sa likot.

Nagulat pa ako nung lumabas sa likuran niya si Maren na may hawak na plato, humahagikgik pa siya.

"Kasama ko siya, siya ang nagturo sa 'kin papunta ro'n hehehe." Parang proud pa si Kenji.

At ano kamo? Tinuro sa kaniya? Siraulo rin 'to eh, kebata-bata ni Maren, anong alam niya sa pagtuturo ng pwedeng puntahan. Napasapo na lang ako ng noo at umiling.

"Dinamay mo pa ang bata!" Panenermon ni Trina, gusto niyang kutusan si Kenji pero agad siyang tumakbo papalayo, sumunod pa sa kaniya si Maren, nakahanap yata ng kalaro ang bata.

"Hay nako.. mga bata talaga." Umiiling na si lola.

"Pasensiya na po kayo sa kaklase naming 'yon, kinse anyos na utak siyete pa." Paumanhin ni Alzhane.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now