CHAPTER 61

23 2 0
                                        

Dynamite

HEIRA'S POV

"OH LATE KA NANANAMAN!" Bungad sa 'kin ni Trina ng makapasok kami sa karinderya.

Bahagya pa 'kong nagulat dahil saktong pagkapasok ko sa pinto ay isang pagsulpot niya. Nakaapron na siya kaya alam kong nakapagluto o nagluluto na siya.

Ngumiwi ako bago tuluyang pumasok, sumunod naman sila. "Malay ko bang maaga pala." Sagot ko at pasalampak na umupo. Umupo sa harap ko si Eiya at pinagkrus pa ang mga kamay bago sumagot.

"Bakit lagi kayong late? Nagde-date ba kayo?" Tanong niya habang pinagtataasan ako ng kilay.

"Yuck, di ko feel." Si Xavier ang sumagot.

Binatukan siya ni Vance at pumunta sa harap ko. "Ikaw pa talaga ang nandidiri 'no?" Tanong niya, naka'y Xavier ang paningin niya.

"Napasarap ang tulog ko, inaantok pa nga ako eh." Sagor ko bago humikap at nag unat.

"Hindi mo ba tinignan ang cellphone mo?" Tanong ni Alzhane.

Hindi na 'ko nagulat kung bakit kumpleto na sila, nandito rin si Alexis, sigurado akong mamaya pa siya pupunta ng hospital. Lagi kaming late,  hindi ko naman kasi alam na maaga pala silang magsisipunta dito edi sana nilabanan ko na lang ang antok ko. Ewan ko ba sa mga 'to, ang aga nilang nagigising.

"Hindi." Sagot ko.

Talagang hindi ako masyadong tumitingin sa cellphone ko, nasa bag o kaya nasa bulsa ko lang lagi 'yon pero hindi ko ginagamit, minsan nga ay tatlong araw pa bago ko icharge dahil hindi naman nagagamit ang power no'n. Kung hindi importante ang message o tawag ay hindi ko naman sasagutin. Kapag nasa mood ako, do'n lang ako sasagot.

Sadyang ayaw lang mga kamay ko na pumindot-pindot, nakakangawit kaya. Wala naman akong masyadong games kaya hindi ako naglalaro. Nakadisplay lang din ang mga social media accounts ko, hindi ko binubuksan, puro mga rants at away lang naman ang mababasa ko kapag binuksan ko 'yon.

"Tao ka ba sa bundok?" Tanong ni Timber.

"Taga Maynila ako, hindi bundok." Sagot ko.

"Bakit hindi ka gumagamit ng cellphone?"

Hindi lang gumagamit, taga bundok na?

"Pake mo?"

Pwede naman kasi akong kumain na lang buong araw kaysa sa pumindot-pindot ng kung ano-ano sa cellphone ko.

Sabi nga nila “If more of us valued food and cheer and song above hoarded gold, it would be a merrier world.”

Kaya dapat unahin ang pagkain bago ang ibang bagay.

"You didn't read my text to you last night?" Serysong tanong ni Asher.

"Hindi eh, nakatulog agad ako." Nag peace sign ako sa kaniya.

"Obviously, she doesn't have any care about you, people." Sabat ni Kayden, nakapoker face siya habang nakatingin sa 'kin.

"Sure ka na d'yan?" Tanong ko, pinagsasabi neto? May paenglish pang nalalaman.

"100% sure."

"May care ako 'no! Kumakain kasi ako nun, tapos nakadagan sa unan yung selpon ko kaya hindi ko napansin! Makapang akusa ka d'yan." Nakasimangot na sagot ko.

"Tsk." Bigla niyang hinila ang braso ko, dahilan para mapatayo ako. "You're late, you're dynamite are waving at you, do your work." Aniya tsaka niya 'ko hinigit papalapit sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now