Marketing strategy
HEIRA'S POV
"Ay hala! Sorry, sorry, Heira."
Hindi magkanda ugaga sa pagkilos si Trina nung matapon sa 'kin ang sarsa na nasa mangkok na hawak niya.
Bagong luto 'yon, may usok-usok effect pa eh, malamang mainit 'yon. Nung matisod siya, dahil malapit na siya sa harap ko, sa 'kin lahat napunta ang laman ng mangkok.
Sayang yung sarsa!
Ewan ko kung sarsa ba 'yon o sabaw, kulay ma-orange-orangr siya na amoy peanut butter, medyo malapot.
Mukhang masarap.
Gusto kong sabunutan at yugyugin si Trina dahil tinapon niya ang konting sarsa na 'yon, hindi dahil sa 'kin natapon kundi dahil sayang 'yon. Ang dami kayang taong nagugutom. Isa na 'ko do'n.
Joke.
"Here's your coffee, He— Shit. What happened?" Nag aalalang tanong ni Adriel.
Binaba niya ang hawak niyang kape sa lamesa tsaka kumuha ng tissue.
"Here." Abot niya sa 'kin sa hawak niya.
"Isha, yung... yung damit mo... may... may tae." Sabi ni Eiya, nandidiri pa siyang tinuturo ang damit ko.
"Sira, sarsa yan ng kare-kare, hindi tae!" Sabi ni Trina. Bumaling siya sa 'kin. "Sorry talaga, hindi ko sinasadya." Sinserong aniya tsaka tumingin sa gilid niya. "Eto kasi eh!" Hinampas ni Trina ang braso ni Timber.
Wala namang kaalam-alam si Timber sa binibintang niya. "Inaano kita?"
Natawa si Adriel dahil do'n. "Makasalabat ya kasi ing bitis mu, muret!" Sabi niya tsaka tumawa ng malakas.
Translation : "Nakaharang kasi ang paa mo, sira!"
"Di ko gets."
"Chinese ba 'yon?"
"Ano daw?"
"Dre, hindi kami spanish, don't talk to us with that language."
"Anak ka naman ng... hindi kami kapampangan, hoy!"
Narinig kong sabay-sabay nilang tanong at reklamo, hindi ko na lang sila nilingon dahil pinunasan ko na lang ang suot kong damit. Dapat maalis netong sarsa na 'to, magmumukha akong madungis neto. White pa naman ang suot ko kaya kahit anong punas ko, wala rin. Hindi pa rin natanggal, may bakas pa rin.
"It's not my fault kung hindi niyo naiintindihan." Sagot ni Adriel sa kaniya.
"Hoy! Palitan mo ang damit mo, oh!" Abot ni Kenji sa isang damit. Napangiti na lang ako sa kaniya. "Huwag mo 'kong ngitian ng gan'yan, may kapalit 'yan. Libre mo 'ko." Sabi niya habang kumakain ng marshmallow. Nawala ang ngiti ko, napalitan ng ngiwi.
Mukhang hindi pa nila nauubos 'yon ah, hindi yata nakayanan ng panga nila ang lagkit at kunat no'n, malambot naman ang mga 'yon kaya sigurado akong kaya nilang lunukin ni Maren iyon.
"Ang galing mo d'yan ha! May kapalit talaga?" Sarkastikong sabi ko.
"Syempre naman. Don't worry, akin naman 'yang damit na 'yan, malinis 'yan kahit nasuot ko na." Sabi niya, hinagis ko pabalik sa kaniya ang damit.
Sapul ang mukha ng singkit.
"Aray!" Ungot niya. "Inaano ka ng t-shirt ko! Favorite ko kaya 'to!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
