CHAPTER 119

23 2 0
                                        

Chitcharon

HEIRA'S POV

"Sabi ko naman sayong tumahimik ka.."

Halos lumabas sa katawan ko ang puso ko dahil sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa harap ng mga letseng hudlong na kaklase namin!

Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya ang mga katagang 'yon. Tototohanin niya pala 'yong sinabi niya kanina.

Dapat pala ay hindi ko ginawang biro 'yon, akala ko kasi nagbabanta lang siya pero hindi niya gagawin. Akala ko hindi siya seryoso pero tignan niyo naman ang ginawa niya!

Akala ko kasi sinasabi niya lang 'tatahimik ka o hahalikan kita?' dahil sa pinuputol ko ang mga sinabi niya, hindi ko naman alam na may karugtong pa pala 'yon!

Aaaarrrgh!

Maraming namamatay sa maling akala, Heira. Pesteng akala 'yan! AKALA! AKALA! AKALA! Hindi na 'ko magtitiwala ulit sayo!

Natakpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyahan. Gagong hudlong na kulapo! Ang sarap mong lampasuhin, bwisit ka! Bwisit!

Narinig ko ang hiyawan ng mga hudlong. Hinahampas pa ang lamesa. Syempre magrereact sila kasi nakita nila yung kagaguhan netong isa.

"One point!"

"Woooah! Nice one, Kayden!"

"Hulog na hulog!"

"Three points yon, 'dre! ayahaaay!"

"Baka sapakin ka nananaman niyan!"

"Ang bilis naman no'n oy!"

"Dapat kasi quiet ka na lang ate."

"Ayan ang daldal mo kasi, Yakie!"

Narinig ko ang mga pang-aasar nila sa 'kin, yung isa yung asarin niyo, huwag ako! Kasalanan niya 'yon, hindi ako! Siya yung nanghalik— Eissssh! Deputa kasi!

Sumama ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Kung alam niyo lang na pinapalakas ko lang ang loob ko para makaiwas sa kahihiyan!

Patay ka sa 'kin, Kulapo! Kapag ako nakaganti sayo dudugo yang nguso mo! Syempre sasapakin ko siya.

Uminit ang pisngi ko, pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha ko! Pati ulo ko ay nag-init na dahil sa hindi pa rin tumitigil ang mga hudlong sa pang-aasar kahit pa sinasamaan ko na sila ng tingin.

Isa pa 'tong katabi kong ngising-ngisi pa talaga habang nakatingin sa 'kin! Ni wala yata siyang pakealam kahit mapahiya ako sa mga hudlong na 'to eh.

"Punyeta kang putragis ka! Bakit mo ginawa 'yon ha? Bakit mo 'ko hinali—!"

King inang gago!

Hindi ko na natapos ang mga pagsusumbat ko sa kaniya nang halikan niya ulit ako! Mas matagal, mas malalim!

Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Para akong naubusan ng lakas dahil parang hinigop niya na lahat ng 'yon!

Ang traydor kong mga kamay ay pilit kong ginagalaw para itulak siya pero hinahawakan niya ang batok at mas inilapit pa 'ko sa kaniya.

"PDA uy!"

"Hoy! Tama na 'yan, nakakainggit na."

"Uyy, si Heira kinikilig."

"Sheeet! Ang tagal niyan! Hindi na sana kayo makahinga!"

"Another toy."

Napanting ang tenga ko kaya naman buong lakas ang tumayo kaya napatayo rin ang gagong hudlong na kulapo ng hindi binibitawan ang labi ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon