Another deal
HEIRA'S POV
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng ganito kaaga. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakasakay sa bike ko at nakapagpedal.
Sa sobrang sabog ng utak ko sa nangyari, parang buong araw okopado ang isip ko. Lahat ng ginawa ko pagkatapos kong lumabas ng room ay hindi ko na maalala.
Wari kong sinundan ako ng mga hudlong paglabas ko ng room pero sadyang bumilis ang paggalaw ng mga biyas ko kaya hindi na nila ako naabutan pa.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagano'n eh. Bigla na lang akong naiyak ng walang dahilan. Parang nawala ako sa mood dahil lang sa kanta.
Ano bang nangyayari sa 'kin?
Ngayon lang ako nagkaganito, buong buhay ko ay hindi ako umiyak ng walang dahilan at mas lalong hindi ako nagwalk out dahil lang sa kanta.
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto ko.
"Anak, baba ka na kakain na tayo!" Pagtawag ni mommy sa 'kin.
Napatingin ako sa orasan. O___O!
Alas syete na ng gabi?! Akala ko alas tres pa lang? Parang kanina lang ay kakadating ko lang ah tapos ngayon hapunan na.
Kanina pa 'ko nakatingin sa kisame habang niyayakap si Tantalog. Siya ang kinakausap ko mula kanina. Parang tanga.
Nakabagsak lang ang katawan ko sa kama. Ang mga paa ko ay nasa sahig pa. Pakiramdam ko ay ang haba ng araw ko kaya naman pagod na pagod na 'ko.
Buong oras na nakatulala ako ay iniwasan kong isipin ang nangyari kanina dahil alam kong maguguluhan lang lalo ang bungo ko.
Kahit sino naman, kahit ako pa ay hindi maipapalinawag ang nangyari sa 'kin kanina habang naiidlip ako. May nababangungot ba habang nakaidlip lang?
Yung sa 'kin? Ewan ko, hindi ko maexplain parang totoong nangyayari 'yon tapos nandoon talaga ako sa lugar na 'yon tapos kahit gusto kong tumakbo hindi ko magawa.
"Heira, anak. Natutulog ka ba?"
Narinig ko muli ang pagkatok ni mommy kaya naman sumagot na 'ko, baka bigla niya na lang akong pasukin dito at isipin na may nangyari ng masama sa 'kin.
"Bababa na po!" Sigaw ko pero hindi ako gumalaw man lang sa hinihigaan ko.
Matulog na lang kaya ako?
"Sige, bilisan mo ha, pinagluto kita ng chicken pastel." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay narinig ko na ang mga yabag ng paa niya na papalayo sa pinto ng kwarto ko.
Napabalikwas ako ng higa dahil sa sinabi ni mommy. Bastos din siya minsan, kung kailan ako nag-eemote tsaka niya ako aalukin ng paborito ko.
Pero syempre pagkain ang pinili ko. Bawal tanggihan ang grasya. Food before anything else. Yung pag-eemote ko, mamaya na lang 'yon, makakapaghintay naman ang kadramahan ng utak ko.
Hindi na 'ko nagsuklay, hindi na rin ako naghilamos. Deretso baba na 'ko kahit mukha na 'kong aswang. Wala namang nakakakita sa 'kin, sanay na sina mommy sa ganitong itsura ko.
"Ay! Diyosmiso marimar! Ginulat mo akong bata ka!" Sabi ni Aling Soling habang nakalagay ang palad sa dibdib.
Nakita ko kasi siyang nakatayo kanina, nakatalikod siya sa 'kin kanina at kinakausap si mommy. Kinalabit ko lang naman siya ah, hindi ko naman alam na magugulat siya.
Pasensya na po.
"Hi, Aling Soling!" Sambit ko na lang at kumaway sa kaniya.
Kahit hindi ko naman gawain 'yon ay ginawa ko. Ewan ko ba sa katawan kong 'to, bigla-bigla na lang gumagalaw, parang may sariling buhay ang king ina.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
