CHAPTER 84

23 2 0
                                        

Picnic

HEIRA'S POV

"Ano ba 'yan! Epal mo!" Reklamo ni Eiya kay Xavier inambahan pa niya ng hampas gamit ang walis na hawak niya.

"Narinig ka naming kumakanta eh, mukhang walang laman ang tyan mo kaya ang ingay mo!" Ganti naman ni Xavier.

"Bakit? Ngayon lang kayo nakarinig ng gan'to kagandang boses?

"Yuck! Asa ka! Pangit ng boses mo!"

Natawa ako sa kanila ng ibato ni Eiya ang walis buti na lang nasapo ni Xavier 'yun, pinaikot pa niya sa ere bago sapuhin ulit.

"Judger kang bwisit ka!"

"Slight lang."

"Kumain ka nang mag-isa mo! Ayaw naming kasama ka!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. Anong ayaw naming sumabay? Siya lang yun! Ako gusto ko ng kumain 'no!

"Edi ‘wag kang kumain, hindi ka naman namin pinipilit."

"Talagang ayaw namin—!"

"Anong ayaw namin?!" Sumabat na 'ko sa kanila. "Ikaw lang, ‘wag kang mandamay." Dagdag ko at ngumuso.

Sayang ang pagkain 'no! Bawal tumanggi sa grasya. Baka maniwala talaga si Xavier sa kaniya tapos hindi kami pakainin. Gutom na 'ko.

"Ayahaaay! Ayaw mo pa lang kumain? Sige, ikaw lang naman ang tumanggi." Ngumisi pa siya at pinagkrus ang mga braso.

Halatang iniinis niya si Eiya eh, pikon naman 'tong isa kaya inirapan niya siya tsaka nagmartsa papalayo.

"Tamo, pikon talaga..." Bulong sa 'kin ni Xavier.

"Lakas mo mang-asar eh." Sagot ko sa kaniya bago naglakad kasabay siya.

Tapos na rin naman kaming nagwalis at namulot ng basura, nasalok na rin namin ang mga 'yon. Biruin mo 'yon? Isang oras naming winawalis ang buong covered court, walis pa lang 'yon ah, buti na lang talaga hindi nakasemento 'yon kundi baka magmop pa kami.

Mamaya na lang namin itatapon ang mga naipon namin dahil malayo ang dump site... basta yung tapunan ng basura sa university tapos do'n susunugin o kaya naman ibabaon sa lupa.

Sumunod naman sa 'min si Asher na hindi pa rin ako kinikibo hanggang ngayon, hindi naman na 'ko naiilang sa kaniya... o sa ginawa niya. Baka naiisip niya lang na galit ako sa kaniya kaya hindi niya 'ko kinakausap.

Mamaya ko na lang siya kakausapin.

"Hindi pa tayo nag-aalmusal." Sabi ni Xavier habang naglalakad kami.

"Hindi nakabukas ang canteen?" Tanong ko.

Umiling siya, "umalis din ang mga tindera kagabi katapos ng party."

Napanguso naman ako. Pwede naman pa lang umuwi, bakit kami bawal? Kung alam ko lang edi sana nagpasundo na lang talaga ako kay mommy, eh 'di sana hindi ako naglilinis ngayon. Pero ayos lang naman, atleast hindi ako maiinip sa bahay.

"Sa'n kayo nakabili ng pagkain kung gano'n?" Tanong ko, nakakapagtaka naman kung nakasara ang canteen tapos nakabili sila ng pagkain namin ngayon.

"Nagpadeliver kami."

Wow, sosyal, may taga deliver.

Buti na lang talaga big-time ang mga kaklase ko. Sana lang talaga ay walang ambagan, magtatago talaga ako sa kanila. Char. Magbibigay din ako ‘no.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now