Abangers
HEIRA'S POV
"Yan. Gamutin mo ang sugat mo, para ka namang gago sa ginawa mo, feeling mo lalaban sayo yung pader?" Nakangiwing tanong ni Trina ng makabalik kami sa room.
Sa tutuusin nga ay nauna pa nga kami ni Xavier pumasok ng room. Naiwan sina Trina sa canteen tapos yung iba naman ay hindi ko alam kung sa'n nakatambay.
"Suntukin kita, tignan natin kung lalaban ka." Sagot ni Xavier.
Naglalagay siya ngayon ng benda sa kamao niya. Panay nga ang pagdaing niya kaninang nilalagayan niya ng alcohol ang sugat niya. Pero nung pinagsusuntok niya ang pader hindi siya umaray.
"So, anong pinapaturan mo?"
"Pader ka."
"Inaano kitang putarages ka?!" Inis na sabi ni Trina.
"Bakit? Natamaan ka?"
"Ulok mo!" Sagot niya tsaka lumapit sa 'kin, nakaupo muna kasi ako sa tabi ni Eiya ngayon.
"Napa'no ang kamay nun?" Tanong niya.
Lumingon ako saglit kay Xavier, tinitignan naman siya ni Shikainah, bakit kaya hindi pa magbati ang mga 'to? Mas madali ang buhay nila kapag nagkabalikan sila.
Bumulong lang ako, baka marinig ng iba. "Nasaktan yata dun sa surpresya ni Jonas kay Shikainah kaya ayun nag-walk out tsaka pinagsusuntok yung pader sa likod."
"Broken hearted pala ang kuya niyo."
"Umiiyak nga siya kanina."
"Seriously? Si Xav umiyak? Laging tumatawa yun ah."
"Oo, kaya wag kang maingay." Sabi ko bago bumaling kay Trina. "Anyare sa plano?"
"Success!" Sagot niya.
"Huh?"
"Gan'to kasi 'yan!"
———————————————
TRINA'S POV
Napalingon ako sa pintuan ng canteen tapos do'n ko nakita si Xavier na nakatayo at pinapanood ang dalawang sumayaw sa harap namin ngayon.
Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya pero wala siyang magawa para bawiin si Shikainah kay Jonas. Hindi pa naman sila magkarelasyon kaya walang karapatan si Jonas na ipagdamot si Shikainah sa iba.
Shutangina!
Panay ang pagtili ko rito sa dalawa lalo na ro'n sa gwapong may hawak na gitara pero yung manok ko nasa labas at nasasaktan!
Traydor ka, Trina! Traydor ka.
Parang ako ang nasasaktan sa kanilang dalawa! Ano ba kasi 'tong nangyayari! Kanina sabi ko bagay ang JonaShik ngayon mas bet ko ang XavInah! Balimbing na talaga ako! Jusmiyo marimar!
Tumulo ang luha niya kaya tumakbo siya papalayo, susundan ko na sana siya ng kalabitin ako ni Heira.
"Kahit na anong mangyari! Pigilan niyo yung isasagot ni Shikainah... bawal silang magkatuluyan!" Utos niya, parang nanggigil pa dahil ang sakit niyang mangalabit ah.
"O-oo sige sige!" Sagot ko sa kaniya.
Nakita ko na lang siya na tumatakbo na rin at tinatahak ang landas na pinuntahan ni Xavier. Track and field ang ganap.
Kung tutuusin ay boto talaga ako kay Xav kahit pa sobrang lakas ng bunganga niya. May makikita ka sa kaniya na hindi makikita ni Shikainah sa ibang lalaki.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
