Accident
HEIRA'S POV
"Good morning." Bati ng kung sino habang nilolock ko ang bike ko.
Humarap ako sa kaniya. Si Asher pala.
"Good morning din."
"Wala kang kasabay?"
"May nakikita ka bang kasabay ko?"
"Wala, ako na lang ang sasabay sayo." Aniya saka ngumiti, nawala bigla yung mata niya.
Pinasadaan ko ng tingin ang kabuuan niya, hindi man siya nakacomplete uniform pero maayos naman ang itsura niya, may hawak siyang camera.
"Naks, gwapo mo ngayon ah." Sabi ko tsaka ko ginulo ang buhok niya, medyo tumingkayad pa 'ko para maabot ko ang buhok niya. Ang tangkad kasi.
Sinamaan niya ko ng tingin sa ginawa ko. "Hindi na 'ko bata, ginugulo mo pa ang buhok ko." Sabi niya tsaka inayos ulit ang napakagandang hair niya.
Dumaan kami sa main gate, kapag umaga doon ako o kami dumadaan, madalas kasing sarado ang gate dito sa likod.
Habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng gutom kaya naman kinuha ko ang burger ko na pinabaon kanina ni mommy.
Hindi na 'ko nakapag almusal dahil sa pagmamadali, may dalawa kasi akong assignment na hindi nasagutan kahapon. Nakalimutan ko kahapon.
"Gusto mo?" Alok ko kay Asher.
"Meron ka pa ba?"
"Meron, sa tindahan bili ka."
"Tsh."
"Oh, hati na lang tayo." Sabi ko tsaka ko hinati, binigay ko sa kaniya.
"Salamat." Tsaka kumagat sa burger.
"Sarap?"
"Okay lang."
"Ha?"
"Pwede ng pantawid gutom." Sabi niya, ako naman hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Makapagsalita ka naman.
"So, hindi masarap gano'n?" Nakangiwing tanong ko.
"Hindi."
"Hindi daw masarap tapos dalawang kagatan lang ubos mo na..." Bulong ko sa side ko.
"Biro lang..." Bawi niya. "Mukhang magaling magluto ang mommy mo ah."
"Pa'no mo nalamang si mommy ang nagluto?"
"Hindi naman kasi kapanipaniwalang ikaw ang nagluto hindi ba?"
"Aba, bakit naman?"
"Wala sa hitsura mo ang marunong mag luto, magsuklay nga hindi ka marunong."
Makapanlait naman 'to.
"Porque ba hindi marunong magsulay, hindi na marunong magluto?" Nakangiwing tanong ko.
"Hindi naman."
"Oh pa'no nasabing hindi ako marunong mag luto?"
"Naramdaman ko."
"Letse ka!"
"Sige nga, marunong ka bang magluto?"
"Hindi."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
