CHAPTER 67

23 3 0
                                        

Dress

HEIRA'S POV

"Adi..." Tawag ko.

Hindi ko na talaga matiis. Papatayin ako ng kyuryosidad ko. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa gitna nilang dalawa. Bakit ba gano'n na lang kasama ang tingin ni Asher kay kuyang kargador?

Kaibigan niya naman si Adriel kaya siya lang ang alam kong makakapagkwento sa 'kin tungkol sa nangyari.

"Why?" Tanong niya habang nagpupunas ng mga baso.

"May tanong lang sana ako." Sabi ko habang pinupunasan ang countertop.

"What's that?"

"May problema ba si kuyang kargador at si Asher?"

Nang lumingon ako sa kaniya ay nakakunot ang noo niya, natigilan din siya sa ginagawa niya.

"Who's k-kuyang kargado?" Parang nalilitong tanong niya.

Kaya naman pala nakalukot ang noo niya dahil hindi niya kilala ang sinasabi ko. Hindi ko naman matandaan ang pangalan nung lalaki, kaya kuyang kargador na lang.

"Yung kanina... yung lalaki kaninang bumili ng palabok..." Tumuro pa 'ko sa labas, as if naman na nando'n pa ang lalaki.

"Ah, that Trevor."

"Tumpak ka d'yan." Kinindatan ko pa siya pagkatapos niyang sabihin ang pangalan.

Tumawa muna siya at binasa ang ibabang labi bago nagsalita. "Yung away nilang dalawa?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo, anong nangyari ba?"

"Marami. Mahaba at komplekado." Sagot niya bago niya pinagbilhan ang isang matandang babae.

Ang ganda ng sago niya, naintindihan ko, grabe! Logic. Wala ako mahihithit na sagot sa lalaking 'to.

"Alam mo naman na si Trevor ang dahilan kung bakit may 23rd diba?"

Ayan na, ready na 'kong makinig sa chismis.

Tumango ako sa kaniya.

"...Bago pa 'yon nangyari may gulo na silang pareho. Nakita na lang namin silang duguan pareho sa isang bakanteng lote. Hindi na nila mabuksan ang mga mata nila pero patuloy pa rin sila sa pagsusuntukan. May saksak sa likod no'n si Ash, pero wala man lang natamong kahit na anong malalang sugat si Trevor. Hindi namin alam kung anong pinag-awayan nila. Basta ang alam ko, bumagsak dati si Ash dahil kay Trevor." Mahabang pagkukuwento niya.

Ayos na yung konting information na 'yon, atleast napiga ko siya. Pero bakit nga sila nag away? Yon ang tanong ko eh, hindi ko naman tinanong ang past nila.

Tsaka bakit naman gagawin ni kuyang kargador 'yon? Ang amo ng mukha niya, hindi mo man lang mahahalatang kaya niya pa lang manaksak ko makipagbasagan ng bungo. Siya nga ba ang nanaksak? Itanong ko kaya kay Asher 'yon? Pero baka hindi niya 'ko sagutin, baka sabihin niya, napakachismosa ko.

"Hoy! Ilibre mo 'ko! May utang kang libre sa 'kin 'no!" Hinampas ko pa ang braso ni Vance nung makalapit siya sa 'kin..

"Ha? Anong libre... wala akong alam d'yan." Pag maang-maangan niya, hindi pa makatingin ang gago. May parang binibilang siya sa hangin. Naaning na yata.

"Sapakin kita d'yan! Hindi mo pa kaya ako nilibre!" Singhal ko at binatukan siya.

Mukha siyang pasyente na nasa mental. O kaya naman ay pinalabas sa mental kahit hindi pa magaling. May kung ano-ano raw ba siyang binubulong sa kawalan. Siraulo lang.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon