Pagbabago
SHIKAINAH'S POV
-CONTINUATION OF FLASHBACK-
♫♪Pasensya ka na at 'di ko na rin madama... Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay... ♫♪
Wala sa sariling pumunta ako sa lockers, wala ng masyadong estudyante kaya naman kinakabahan ako, magsisilim na rin. Pilit kong pinatatag ang sarili ko, wala akong makikita ngayon.
Tama! Wala akong makikitang Xavier ngayon na kasama si Audrey. Mahal niya ako... nakalimutan niya lang talagang tignan ang cellphone niya kaya ganito. Hindi niya ako sasak—.
"Uhm... Xav."
Tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko dahil sa narinig ko na iyon. Pinunasan ko ang mga mata ko bago ako lumapit sa lugar na pinagmumulan ng ungol na iyon.
"Fuck..."
Mas nanginig ang kalamnan ko dahil sa boses na iyon... Xavier. Hindi ikaw 'yon, hindi sayo ang boses na yon.
Pero kahit na anong gawin ko ay ayaw makumbinsi ng sarili ko dahil alam na alam ko kung kaninong boses iyon.
"Xav... don't leave a mark."
"I can't promise."
Muntik na akong matumba dahil sa nakita ko buti na lang at may umalalay sa akin na braso pero hindi ko na pinansin kung sino 'yon.
Nakikita ng dalawang mata ko ngayon sina Audrey at Xavier, naghahalikan sa gilid ng lockers... Hinahalikan ni Xavier ang leeg, panga at labi ni Audrey.
Mukhang sarap na sarap sila kaya hindi na nila napansin ang presensiya ko, panay ang pag-agos ng luha ko habang pinapanood ang ginagawa nila. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi na makagawa ng ingay dahil sa paghagulgol ko.
Eto 'yong bagay na hindi ko maibigay sa kaniya.
"Ah, miss... privacy nila 'yan, baka nakakaistorbo ka sa kanila." Anang lalaki sa tabi ko, hindi pa pala siya umalis.
Agad na napatingin ang dalawa sa gawi ko. Nanlaki pa ang mata ni Xavier ng makita ako pero umiling lang ako tsaka naglakad papalayo sa kanila.
Siguro nga hindi talaga ako sapat.
♫♪ Pasensya ka na.. Pasensya ka na
Pasensya ka na... Pasensya ka na. ♫♪
Isang linggo na ang nakakalipas ng makita ko ang hindi kanais-nais na iyon. Pumapasok akong walang gana, walang gana at laging seryoso.
Masakit pa rin talaga.
Pumapasok ako sa university na ito kahit labag sa loob ko, ayaw kong makita kahit na sino man sa dalawa, pati na rin ang mga kaibigan nila. Gusto ko lang munang mapag-isa.
Gusto kong magkulong sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak. Pero ayaw kong mag-aalala sa akin si mama kaya naman pinilit kong ipagpatuloy ang araw ko.
Papasok pa lang ako sa gate ay nakita ko na si Xavier halatang walang tulog dahil mugto ang mata at nangingitim ang ibaba no'n, magulo ang buhok at hindi kumpleto ang unipormeng suot.
Tumayo siya ng maayos ng makita ako pero hindi ko binago ang reaksyon ng mukha ko. Seryoso pa rin at parang walang pakealam sa nangyayari sa paligid.
Chinachat niya ako, tinitext at tinatawagan mula noong araw na 'iyon'. Hindi ko naman sinasagot ang mga mensaheng iyon, pinapatay ko ang cellphone ko kapag siya ang tumatawag.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
