CHAPTER 85

25 2 0
                                        

Pakiramdam

HEIRA'S POV

"Heira, ihahatid na kita."

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa mga kasama namin at kung pa'no ako nakapaglakad palabas ng university.

Gamit ang paa.

Aissssh! Ang hirap kasi intindihin nung sinabi ni Abo eh! Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko yung mga salitang binitawan niya. Hindi niya raw dinedeny pero hindi niya rin daw kinoconfirm. Ang gulo naman!

Napasabunot na lang ako sa patilya ko dahil sa pag-iisip ko. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ko kakausapin si alam niyo na. Hindi sa naiilang ako pero kasi... kaibigan ko siya tapos biglang magiging gano'n.

"Buang na.." Parinig ng kung sino.

"Hindi na... sasabay na lang ako kay Eiya." Sagot ko sa alok ni Vance.

Magkaibang direksyon ang bahay nila sa bahay namin. Kaya kung magpapahatid ako, hassle na sa kaniya yun, mapapalayo pa siya.

Tsaka kailangan kong kausapin si Eiya tungkol do'n sa sinabi ni Asher. Sasabog ang utak ko kung wala akong mapagsasabihan at si Eiya lang 'yon.

Ayokong sabihin kay mommy baka kung anong isipin niya tapos makarating kay Kio, iba pa naman mag-isip ang lalaking 'yun.

"Bahala ka, ikaw na lang ang inaalok, libre naman ang gas. Pero kung gusto mo ng gasgas, bibigyan kita." Pangongonsensiya niya sa 'kin.

"Nakakotse ka tapos magagasgasan siya? Ano, papaaksidente kayo gano'n?" Nakangiwing tanong ni Trina.

"Pwede kaya 'yun! Ihulog ko na lang siya para magasgasan."

"Punyemas ka!" Singhal ko sa kaniya.

Ako ang aalukin niya tapos ihuhulog niya lang pala ako, gago ba siya? Baka siya pa ang ihulog ko sa mismong sasakyan niya.

"Una na kami!" Paalam ni Eiya nang pumarada na sa harap namin ang sasakyan nila.

"Take care." Pabulong na sabi ni Elijah pero narinig ko 'yon.

"Ingat kayo..." Kumaway pa sa 'min si Asher.

"Makauwi sana kayo ng humihinga. Ingat, magkatraffic sana." Panalangin pa ni Vance.

Siraulo talaga ampota.

"Salamat sa pagkain, medyo matigas pa yung kanin!" Sabi ko, tumawa naman sila.

Kumaway na lang rin ako pabalik bilang sagot sa kanila. Sumakay ako sasakyan nina Eiya, nauna na 'ko sa kaniya, nakipagkwentuhan pa kasi siya kay Trina.

Bahala ka d'yan, feel na feel ko naman ang sasakyan niyo.

To: Momiyuuuh

Message: Nakisakay po ako kay Zycheia!

Message Sent.

From: Momiyuuuh

Message: k. gege.

Tinago ko na lang ang cellphone ko dahil sa sagot niya. Teenager lang kung makapagreply? Ano ka, millennial? Ginagaya yata ni mommy yung ibang style ko, nagpapabata.

Sumakay na rin si Eiya, sa tabi ko siya naupo. Umandar ang sasakyan nila palayo sa parking lot. Do'n na nagsimulang gumana ang pag-iisip ng utak ko.

"Eiya..." Tawag ko sa kaniya.

"Hmm? Bakit?"

"May ano... what if... ano." Dapat bang sabihin ko sa kaniya ang sinabi ni Asher?

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon