Practice
HEIRA'S POV
Nag 'okay' sign na lang ako sa kaniya bilang sagot. Wala naman din akong kapartner, kaya okay lang. Ilang araw na lang niyan ay acquittance party na, pero kahit naman wala akong kapartner ay okay lang. Kaya ko naman maglakad mag isa.
Lunch time na kaya naman nagkayayaan silang kumain sa tambayan gaya ng ginagawa namin dati. Hindi ko na inayos ang gamit ko dahil hindi naman magulo, lumabas na 'ko ng room dahil sa init.
"Hoy hintay!" Sigaw ni Kenji, kumaway lang ako habang nakatalikod.
Hinintay ko na lang sila sa may hagdan, do'n ako sulampak at nag isip-isip. Ano kayang pwedeng kainin ngayon? Ang pwedeng gawing lunch? Manok ba o baboy? Kaya ba ng budget ko? Tubig ba o juice? Aish! Pati pagkain pinoproblema ko.
Ang ending, kung ano na lang ang nakita kong hindi nakakamatay ay yun na lang ang bibilhin ko. May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Si Adriel pala.
Hindi siya makatingin sa 'kin. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"A-ayusin mo a-ang u-upo mo." Sabi niya at pumikit.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" Tanong ko at tumingin na lang sa puno. Wow, green.
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko yung mga ginawa ni Lucas sa 'kin. Yung pagdadala niya sa 'kin sa clinic, yung pagtulong niya sa 'kin sa court, yung kahapong nahiwa ako at yung pagbubuhat niya sa mga galon. Ang bait niya.
Napahawak ako sa dibdib ko nung maalala ko ang mga 'yon. Bumilis ang pintig ng puso ko at uminit ang pisngi ko. C-crush ko na b-ba siya?
"Ayusin mo na lang. P-parang lalaki ka." Sabu niya. Hindi ko alam kung bakit nauutal siya at hindi makatingin sa 'kin. May ginawa ba 'ko sa kaniya?
"Oy," sabi ko at bahagyang tinulak ang braso niya. Yumuko lang siya. "Umiiwas ka ba?"
"H-hindi."
"Eh, bakit ka nauutal? Bulol ka ba?"
"Y-yung legs mo, n-nakikita ko." Saglit siyang tumingin sa 'kin bago tumingin sa kawalan. Nakita ko ang paglunok niya.
Gano'n na lang ang hiya ko nung makita kong medyo tumaas ang palda ko dahil sa pagkakaupo ko. Hindi ko na kasi pinansin 'yon kanina, basta umupo na lang ako. Mahangin din kaya siguro tumaas. Bago ko ba naibaba ay may panyo ng tumakip doon.
Nilingon ko ang katabi ko. Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin, hindi naman siguro siya nadistract sa maputi kong legs. Binaba ko ang palda ko, bakit naman kasi ang iksi? Pwede naman na hanggang bukong-bukong na palda kaysa sa maiksing katulad neto.
Kinalbit ko siya. "Uy." Pero hindi niya ko pinansin. "Adriel!" Kinalbit ko ulit siya. "Adi." Tsaka ko pinitik ang tenga niya. Do'n pa lang siya lumingon sa 'kin. Pumupungay ang mga mata niya at namumula ang pisngi niya. Lasing ba 'to?
"Nakatakip na, wala na. Pwede mo na 'kong pansinin." Sabi ko at pinakita ko pa ang mga paa kong natatakpan na.
Para siyang nakahinga ng maluwang, "buti naman, para kang siga kung umupo eh." Aniya at tumawa.
"Mukha bang siga ang magandang 'to?" Tinapik ko ang baba ko. Napanguso na lang ako nung tumawa siya ng malakas.
"Feelingera ka pala." Sabi niya at tumawa. Hinila ko ang kilay niya kaya napadaing siya. "Aw, that's hurt. Masakit ah." Aniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
