CHAPTER 32

34 4 0
                                        

Jamming with the boys

HEIRA'S POV

"Hoy, Isha! Sandali!" Sigaw ni Eiya

"Hintayin mo naman kami, Heira!" Sigaw naman ni Vance.

Inis ko silang iniwan sa clinic, kung makapang alaska kasi sila wagas, tapos ngayon hahabol-habol.

Mga aning!

"Hintayin mo kami hoy!" Sigaw nila.

Lakad takbo kasi ginawa ko, ang bilis pa naman ng mga hakbang ko, nung mapagod ako saka ako naglakad na lang.

Nakakahingal pala 'yon.

Dahil naglalakad na nga lang ako, nahabol ako nung dalawa. Sa haba ba naman ng biyas ni Vance, sigurado akong nagpapanggap lang 'yon.

Huminto ako kaya huminto rin sila, gaya-gaya sila eh. Tinignan ko sila, natawa ako sa mga itsura nila, hingal na hingal, naghahabol ng hininga at pawis na pawis.

"Oh, ano, kaya pa?" Natatawang sabi ko.

"Kapag talaga ikaw nahimatay ulit! Bahala ka sa buhay mo!" Pagbabanta ni Eiya.

"Kayo nauna, ngayong iniwan kayo tsaka kayo hahabol-habol!" Sabi ko.

Napaisip ako sa sinabi ko, double meaning yata 'yon, ang sama naman yata ng bunganga ko.

"Woah, Heira ah." Sabat ni Vance.

"What?" Tanong ko.

"Wala ang sabi ko, wala man lang thank you matapos ka naming bantayan sa clinic?" Sabi niya tsaka tumingin kay Eiya. "Diba, Zycheia?"

"Oo! Wala man lang thank you! Pinagod pa 'ko!" Panunumbat niya sa 'kin, inirapan pa 'ko.

"Edi, thank you." Sinserong sabi ko, nagkatinginan naman sila, ngumisi at nag appear, mag best friend lang gano'n? "Teka nga!" Sabat ko sa gitna nilang dalawa. "Sinusumbatan niyo ba 'ko dahil sa pagtulong niyo?" Kunyaring inis na sabi ko.

Ginawa ko lang 'yon para manahimik na sila, sa hitsura nila parang wala silang balak na tigilan ang pang aasar sa 'kin.

"Ano?! Hindi ah!" Asik ni Vance.

"Hindi, ikaw naman, hindi kita sinusumbatan, tara na nga, kain na tayo!" Sabi ni Eiya tsaka tumingin kay Vance. "Sumabay ka na sa'min!" Anyaya niya.

Abot langit naman ang ngiti ng gunggong. "Ililibre mo ba 'ko?" Tanong niya.

"Hindi, ang sabi ko lang, sumabay kana sa'min pero wala akong sinabing ililibre kita! Ano ka sinusweeeeerte?" O.A na sagot ni Eiya. Tumawa akong malakas dahil sa kanila. Napangiwi naman si Vance dahil sa sagot ni Eiya.

"Akala ko naman ililibre ako." Bulong ni Vance pero rinig naman namin.

"Hoy! Anong akala mo sa'kin, bangko?" Ani Eiya.

Mukha silang aso't pusa, konti na lang parang magsasabunutan na ang dalawa.

"Hindi naman, ang sabi ko—!"

"Ako na, ako na lang ang manlilibre sa inyo, tutal BINANTAYAN NIYO NAMAN AKO SA CLINIC." Sarkastiko at madiin na sabi ko.

"Oh, tamo buti pa si Heira nanlilibre, hindi tulad mo! Mang aaya pero hindi naman pala libre!" Parang nanunumbat na sabi ni Vance, dinuro pa si Eiya.

Umasim naman ang itsura ni Eiya, tumingin siya kay Vance na parang nanunuya, inirapan niya na lang si gunggong. Tumawa naman si Vance, enjoy na enjoy sa pang aasar.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now