CHAPTER 44

32 3 0
                                        

Chuckie

HEIRA'S POV

"PINAPASABI NI DEAN NA DAPAT MAY PARTNERS TAYO SA ACQUITTANCE PARTY."

Anunsyo ni Eiya nung nakabalik na siya sa lamesa namin. May hawak pa siyang maliit na papel.

"Automatic na 'yon, parang ball din naman 'yon." Walang ganang sabi ni Timber, nakasandal siya tapos nakacross arm.

"Nagbago yata ang pananaw ng school samin nung lumipat kayo sa section namin." Parang wala lang talaga na sabi ni Maurence, parang hindi manlang importante sa kaniya ang simabi ni Eiya.

"Pupunta ba kayo?" Nag aalangang sabi ni Trina.

"Maybe yes?" Sagot ni Adriel.

"Siguro." Nagkibit balikat si Asher.

"Ata." Nagkibit balikat din si Aiden.

Parang lahat sila lamya-lamya ngayon, parang hindi nagustuhan yung sinabi ni Eiya sa kanila. Ngayon makikita mo sila, nakasandal lang sa upuan at nakacross arm. Hindi na sila humahagalpak katulad nung kanina.

Yung mga pagkain sa lamesa naman butil-butil kung kanin. Parang nawalan na sila ng gana, nawala yata sila sa mood dahil do'n. Hindi na sila naeenganyo sa usapan namin.

Pero bakit? Bakit gano'n na lang sila hindi kapabor sa mga activities sa school? Bakit... bakit? May nangyari ba dati kaya gan'to sila?

"Bakit kayo gan'yan...?" Natanong ko na bago ko pa napigilan ang sarili ko.

Lumingon sila sakin.

"What 'bakit kayo gan'yan'?" Tanong ni Adriel, mukhang hindi nakuha ang sinabi ko.

"I mean, bakit parang ayaw niyo sa school activities?" Pagkaklaro ko.

Nagtimhiman at humugot ng malalim na hininga.

"Isang mahaba at komplekadong kwento." Makahulugang sagot ni Alexis.

Sumimangot ako. "Bakit nga?"

Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Dati, mga grade 8 or grade 9 pa lang kami no'n, matagal na kaming magkakakilala, wala pang 23rd Section at hindi pa kami nakahiwalay." Paunang sabi ni Timber.

"Sa panahong 'yon, hindi kami ang 'mga basura' ng school, campus or should I say this university, may iba pa pero hindi 'yon alam ng mga teachers, mga students lang naman ang may alam no'n saka sila na rin ang nagbansag." Dagdag ni Vance.

"Anong kinalaman no'n sa pagkaayaw niyo sa acquittance party?" Tanong ni Trina.

"Teka lang, wag kang atat!" Bulyaw ni Vance.

Natahimik lahat kasi kami. Lahat kami serysong nakikinig sa kwento nila. Mukha kasing malalim talaga ang pinaghuhugutan nila. Parang may nangyaring hindi maganda, gano'n.

Interesado kaming lahat, lalo na syempre 'tong mga kasama ko, tsismis ba naman ang pinag uusapan, malamang game na game sila d'yan.

"Continue." Utos ko.

Parang nasa isang story telling kami tapos thrilling yung story, parang delubyo na horror na action na crime, sa sobrang gulo ng iniisip mo hindi mo na talaga maintindihan ang sinasabi nila, hindi mo malaman kung ano ang kasunod kung hindi mo sila papakinggan.

Kaniya-kaniya kami ng dampot ng mga pagkain na panghuli, marami-rami rin kasi ang binili at dinala nila dito, parang may birthday.

Balik tayo sa talambuhay este kwento ng Dark 13.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now