—Acquittance party—
Shikainah
HEIRA'S POV
Shit! Shit! Shit! Shit!
Parang kumakawala ang puso ko sa katawan ko. Ang lakas ng tibok! Naninigas ako at the same time kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit!
Parang pumunta lahat ng dugo ko sa pisngi ko! Nag-init kasi, sigurado akong namumula na 'ko ngayon. Hindi ko nagawang magsalita dahil inaabsorb pa ng utak ko ang sinabi niya.
She's gorgeous
She's gorgeous
She's gorgeous
She's gorgeous
Pwedeng timeout muna? Itigil muna ang lahat. Time freeze muna! Huwag muna kayong gumalaw! Hindi pa kayang tanggapin ng isip ko ang sinabi niya. Dalawang salita lang 'yon pero pakiramdam ko, hihimatayin ako.
OA.
OA man pero gan'to talaga ang nararamdaman ko. Ano ba 'yan! Gaaad! Nag-uumpisa pa lang eh, kakarating ko lang oh.
Nag-iwas ako ng tingin nung makita ko si Trina na binibigyan ako ng nakakalokong ngiti. Pinandilatan ko siya pero mas lumapad ang ngisi niya.
Ngising tagumpay!
"You're stunning..." Ayan na na naman ang mga mabububulaklak na salita ni Lucas. Kaswal niya lang sinabi yun pero parang ginulo ang sistema ko.
"Ehem..." Biglang sumali si Eiya sa eksena. "Kanina pa kayo d'yan, anong pinagmi-meeting-an niyo?" Tanong niya.
"Kamatis." Wala sa sariling sagot ni Trina.
"Ha?!" Tanong ko.
Anong kamatis naman ang sinasabi netong babaeng 'to? Pati ba naman dito naghahanap siya ng kamatis eh hindi naman 'to tindahan o palengke.
"Sige... una na 'ko." Paalam ni Lucas tsaka kumaway. Tinignan ko pa siya kung saan siya papunta, sa covered court lang pala.
Narinig ko ang pagtili ni Trina, kinurot pa ko sa kamay. Hindi niya makurot ang bewang ko dahil makapal ang suot ko.
"She's gorgeous... shet!" Bigla na lang sumigaw si Trina kaya lumapit sa 'min yung tatlo.
"Tangina ka!" Pagmumura ni Eiya sa kaniya, hawak niya pa ang tenga niya. "Sumigaw ka pa talaga sa mismong tenga ko 'no?"
"Ay sorry!" Nag peace sign si Trina kay Eiya bago bumaling sa 'kin. "Hulog na hulog ka 'no?"
Umiling naman ako sa kaniya. "Hindi ah."
"Hindi raw pero malakamatis yang mukha." Pinagduldulan niya pa ang mukha ko kaya napaatras ako.
"Ano ba!" Reklamo ko. "Ikaw yata ang nahulog eh."
Namumula rin kasi siya, hawak niya ang magkabilang pisngi niya. Kulang na lang yata tumalon siya. Panay pa ang pagtili niya. Yang tataa?
"Anyare?" Nag-aalalang tanong ni Hanna.
"Wala... wala! Wala 'no! Walang nangyari." Agad na sagot ni Trina nung kurutin ko ang tagiliran niya.
"Eh, bakit parang sirena ng bumbero yang bunganga mo? May sunog?" Tanong ni Kenji.
"Alam mo, Kenji. Lumayas-layas ka sa harapan ko. Baka kapag hindi ako nakapagtimpi isaksak ko na lang sa baga mo yung mic na hawak ng emcee!" Banta ni Trina.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
