CHAPTER 99

25 2 0
                                        

Pagkakaibigan

SHIKAINAH'S POV

Bakit gano'n makapaglaro ang tadhana, bakit kinakanta niya ang mga kantang nakaugalian naming kantahin? Ang sama-sama ng loob ko sa kaniya dahil bawat liriko ng kantang kinakanta ay parang bumabalik ako sa nakaraan.

Natawa ako ng bahagya dahil pagmulat ko ay tumambad sa panginginig ko ang dalawang lalaking nasisiraan na ng bait.

Si Kenji ay nakawig habang nakadress, may Christmas decor pa siyang nakalagay sa ulo, ginawang headband. Sumasayaw sila ni Mavi na ngayon ay may panyo sa noo, parang Mang Kepweng.

Nagsasayaw sila ng cha-cha pero ang bagal ng kanta, may pa-tumba effect pa silang ginawa kaya naman may lumakas ang tawanan.

May nakadungaw sa labas na mga estudyante, walang makapasok sa kanila dahil nakabantay sa mga pinto sina Heira, Zycheia, Aiden, Elijah at Alzhane, si Hanna naman ay nagtatapon ng petals sa sahig.

Ngayon lang ako nakakita ng mga magkakaklase na parang isang pamilya lang... sama-sama sa kalokohan pati na rin sa ganitong sitwasyon.

Masaya akong naging kaparte ko sila kahit iba ang landas na tinatahak ko. Bakit ko ba sila iniiwasan? Masyado na ba akong nagiging makasarili kaya nadadamay ko na sila? Nagiging masama na rin ba ang ugali ko?

Masama bang umiwas muna sa kanila? Natatakot na kasi ako na baka kapag hindi ako umiwas sa kanila ay baka maging kaibigan ko sila at mangyari ang nangyari dati. Natatakot akong maloko at pagkaisahan ulit ng mga tinuturing ko na kaibigan.

"Woi! Ano na, yung pangatlong kanta." Narinig kong bulong ni Xavier, sa lakas ng boses niya, kahit bulong ay maririnig mo kahit malayo.

"Teka lang naman!" Sigaw ni Trina sa kaniya, siya ang may hawak ng gitara.

Natutuwa nga ako kasi ang galing niyang kumanta, magaling pa siyang tumugtog ng mga instruments. Gano'n din si Vance pero ngayon ay hindi niya na masyadong ipinapakita sa iba ang kaya niya.

"Ang bagal mo eh, buti nga pinayagan tayo nung first class teacher natin." Ani Xavier.

"Ikaw ang tumugtog oh, tapos matutulog na lang ako!" Akmang huhubarin ni Trina ang strap ng gitara ng pigilan siya ni Vance.

"Woi! Aatras ka pa? Nakadalawang kanta ka na nga eh!"

"Tse! Ano nga kasi yung susunod na kakantahin mo?" Tanong niya kay Xavier.

Napakamot na lang ng ulo ang lalaki. "Anak ng pating... nakalimutan pa." Bulong niya tsaka tumingin sa 'kin, pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman kumalma. "Yung Make it with you!"

"Okay. Okay. Galit ka agad eh!" Sabi ni Trina at tinugtog ang kanta.

Umayos ng tayo si Xavier at deretsong tumingin sa 'kin, hindi naman totoo ang mic na hawak niya, laruan 'yon na may hangin sa loob.

Kumikislap ang mata niya, pumupungay at ang ganda! Hindi ko inaasahan na matititigan ko pa pala ang matang iyon na siyang nagpa-iyak sa 'kin.

Wala akong nakikitang iba ngayon sa mga iyon kung hindi pagmamahal, pag-asa at saya. Iba ang saya niya ngayon kumpara sa sayang pinapakita niya sa iba

Napapikit ako ng mariin habang tumutulo ang mga luha ko. Narinig ko ulit ang kantang ito...

♫♪ Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes.. ♫♪

"Mads..." Tawag ko kay Madison.

Isang linggo na rin ang nakakalipas nang maramdaman ko ang kakaibang feeling na iyon, hanggang ngayon ay ganoon pa rin, hindi nawala kahit ilang araw na ang nakalipas.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now