CHAPTER 60

22 1 0
                                        

Pancake

HEIRA'S POV

"Aling Soling... mommy..." Pagtawag ko.

Bumaba kasi ako ng kwarto pagkatapos kong mabasa ang padikit na sulat.

"Aling Soling... nand'yan po ba kayo?"

Hindi ko pa rin nararamdaman ang presensiya ng mga kasama ko sa bahay. Tatatlo na nga lang kami halos hindi pa kami magkita-kita.

Sumilip ako sa kwarto ni mommy na katabi lang ng kwarto ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya, malamig din ng kwarto niya kahit pa nakapatay ang aircon. Wala sa sariling pumasok ako do'n.

Nakasabit sa dingding ang wedding picture nila ni daddy, pina-sketch pa nila 'yon kaya malaki. Sa tabi ng kama niya ay naroon ang ang isang maliit na drawer kung saan nakapatong ang tatlong frame ng litrato, ang isa ay ang larawan ko noong bata ako habang tumatawa ako. Ang pangalawa naman ay ang larawan ni Kio na may hawak na laruang kotse.

Ang huling larawan ang siyang nasa gitna, doon napukol ang atensiyon ko. Umupo ako sa kama ni mommy at kinuha 'yon. Family picture namin 'yon habang magkatabing nakaupo ang mag asawa habang ako ay nakakandong kay daddy, si Kio naman ay nakakandong kay daddy.

Hinaplos ko ang larawan, nakaramdam naman ako ng lungkot.

Ang saya pala natin dati, perpekto at isang masayang pamilya tayo. Malabo sa 'kin ang lahat ng nangyari noon, wala akong maalala sa mga nakalipas na taon, pero isang litanya ang narinig ko matapos ang aksidente na siyang sumira sa isang masayang pamilya.

“Sa susunod na linggo ang alis ko, isasama ko si Kio, Helen. Pasensiya na sa lahat ng nagawa ko sa iyo, pero alam ko sa sarili kong minahal kita, ingatan mo ang sarili mo lalo na si Yakiesha."

Minahal... past tense.

Tama na nga, sumusobra na ang kadramahan ko eh, pati pag iisip ko naaapektuhan na, biglang nagiging malalim na tagalog.

Minsan bulag din si daddy eh, ewan ko ba ro'n, napakaganda, napakasexy, ang galing magluto, maalaga at higit sa lahat mapagmahal na si mommy pero pinakawalan niya pa. Wala naman akong magagawa, puso nila 'yon eh.

Kung magkakabalikan man sila, ayoko na...

Ayoko nang tumutol, BinHe forever kahit shunga sila sa pag ibig.

Inilapag ko na ulit ang larawan dahil narinig ko ang pagtawag ni Aling Soling. Ang galing, nagtatawagan lang kaming pareho.

"Hija... tinatawag mo ba 'ko?" Aniya.

Agad akong bumaba at hinarap siya. Bagong ligo si Aling Soling, nakabalunbon pa ang twalya sa ulo niya. Fresh na fresh.

"Aling Soling, may itatanong lang ako." Sabi ko at hinila ang braso niya papunta sa kusina.

Hindi naman ako kukuha ng pagkain, gusto ko lang umupo at magtanong sa kaniya. Mamaya na 'ko kukuha.

"Ano iyon at hinila-hila po ako rito.. gusto mo bang ipagluto kita?" Tanong niya, humakbang siya papunta sa refrigerator pero pinigilan ko ulit ang braso niya.

"Nasa'n po si mommy?" Tanong ko.

"Ah, umalis siya kaninang alas kwatro, ang dinig ko ay may meeting sila ng mga kasosyo nila, nagulat nga ang mommy mo dahil biglaan ang pagtawag nila, magbubukas na raw ang ibang branch ng restawran nila, mukhang lumalago na ang negosyo ng iyong ina." Mahabang litanya niya bago sumandal sa countertop ng lamesa.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora