Palengke
HEIRA'S POV
"Patay."
"Galit agad."
"Manahimik na tayo."
"Sasapakin tayo niyan."
"Ayan kasi! Ayaw niyan ng maingay!"
Bahagya akong napatalon dahil sa kalabog na 'yon. Pabagsak na inilapag ni Elijah ang baso niya sa lamesa, buti na lang talaga hindi nabasag o nagcrack 'yon.
Nag igting ang panga niya, nagtiim ang bagang niya, deretso niyang nakatingin sa harap niya pero may inis sa mukha niya, nakacross arm siya habang kunot ang noo niya.
"Napa'no 'yon?" Bulong ko kay Eiya.
Pinaglalaruan niya ang pagkain niya sa plato, parang kinakabahan siya sa 'di ko malamang dahilan. Nasa baba ang paningin niya, hindi man lang tumingin sa 'kin.
Galit ba siya?
Nagkibit balikat siya bilang tugon sa tanong ko. "I don't know, siya ang tanungin mo."
Napaamang ako dahil sa kaseryosohan ng mukha niya. Sumubo siya ng kaunti, mabibilang mo nga yata ang butil ng kanin na kinain niya eh.
Lumingon ako sa katabi kong ang ingay kumain at gano'n na lang ang gulat ko nung makita kong malapit niya ng naubos ang gabundok na kanin na binili ko kanina.
"Woi, tirhan mo naman ako." Sabi ko.
"Oh." Inabot niya sa 'kin ang platong may kakarampot na kanin. "Eatwell." Naghalumbaba siyang ngimiti sa 'kin.
Hindi man lang niya 'ko naisip, nahiya pa siya rito sa binigay nilang dalawang subo na lang na kanina, ubos na rin ang ulam dito sa isang plato, puro sarsa ang natira.
Tumingin ako sa katabi kong dumidighay na.
Bastos.
"Anong tingin mo sa 'kin, pusa?" Marahas kong kinamot ang ulo ko.
Nakakailang subo pa lang yata ako kanina tapos ngayon katiting na lang ang natira. Ano bang tyan ang meron 'tong hapones na 'to? Ang lakas kumain tapos hindi man lang tumataba.
Pinagmasdan ko ang platong binigay niya, anong gagawin ko rito? Dalawang subo na lang? Ni hindi man lang yata nito maaabot ang mga alaga kong dragona sa tyan eh.
"Oh, bakit gan'yan ang mukha mo?" Natatawang tanong ni Trina.
"Gutom pa 'yan, sigurado ako." Si Eiya ang sumagot.
"Ang dami mong binili kanina ah, ubos na?" Nagtatakang tanong ni Hanna.
"Oo." Bulong na sagot ko.
Nanlulumo ako, oo ubos na, pero hindi ako ang umubos neto, oo ubos na pero si Kenji ang nabusog. Bagsak balikat ko na lang na kinain ang natira, sayang naman kung itatapon ko lang. Pantawid gutom na.
Nakakasakit ng loob.
"Pahingi." Sabi ko kay Eiya, tutal naman hindi na yata niya gustong ubusin ang pagkain niya, ako na lang ang uubos.
"Ayoko nga." Sagot niya, binilisan niya ang pagkain, nginanga niya ng wagas ang bunganga niya tsaka nilagay lahat do'n ang pagkain niya, punong-puno ang bibig niya.
Ubos ang pagkain sa plato niya.
Damot mo! Mabulunan ka sana.
Dere-deretso niyang tinungga ang laman ng baso niya hanggang sa maubos ang laman ng bibig niya. Tumingin siya sa 'kin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
