CHAPTER 95

23 3 0
                                        

Ice cream

HEIRA'S POV

"Bakit ba kasi bumili pa kayo ng Christmas tree eh!" Reklamo ni Vance, siya kasi ang nagbubuhat sa Christmas tree na binili nina Adriel at nung batang hapon.

Ang dami nilang binili, oo lang ng oo ang Xavier, sa huli, kulang pa ang pambayad niya, gusto niya ngang iwan si Kenji eh, isangla muna raw namin siya, natakot yata yung hapon kaya naman tumakbo tsaka tumalon sa nakadisplay na kama!

Nagtago siya dun, binuhaghag niya pa yung mga unan at yung kumot, bakit ba kasi may display pang gano'n? Nagtalukbong siya, panay nga ang pagsigaw niya ng "ayokong maiwan dito!" tapos hindi niya alam na yung manager na pala ang nasa harap niya.

Napilitan tuloy kaming magtago para hindi madamay sa kalokohan niya, nagtago kami sa kung saan-saan, para kaming nag-ha-hide and seek, kung hindi siguro marami ang binili namin baka pinalayas na kami.

Dahil nga kulang ang pampayad ni Xavier, si Kayden na lang ang nagbayad, galanteng galante, parang barya lang sa kaniya yung 5,000 pesos na binayad niya, keep the change pa nga raw, parang gusto ko tuloy maging  cashier.

May binili pa ngang dress si Kenji, oo.. si Kenji, konti na lang pagkakamalan ko na siyang bakla dahil bumili rin siya ng wig at pompoms, nag-cheer dance ampota.

May binili pa nga silang kurtina at tatlong unan, yang tataa? Maghaharana ba 'to o camping na 'to?

"Kung sanang binili mo rin kami ng chocolates hindi ako magrereklamo rito sa binubuhat ko..." Nakasimangot na ani Eiya.

Pinagtaasan siya ni Xavier. "Hindi naman ikaw ang hinaharana bakit kita bibilhan?" Sabi niya.

"Sana man lang pinakain mo yung mga alalay mo ‘no! Ka-bibigat kaya ng mga chocolates na 'to, kapag ako nainis itatakbo ko 'to."

"Dapat pala ikaw na lang ang pinangbayad namin kanina, daming reklamo... pwede namang hindi na lang sumama." Parinig ni Elijah, natawa naman kami sa kaniya.

"Ah gano'n? Sige." Padabog na binigay ni Eiya yung dalawang paper bag na hawak niya kay Elijah. "Ikaw magbuhat niyan, aalis na 'ko," bumaling siya sa 'kin. "Sama ka sakin Isha, libre kita, mamasyal na lang tayo." Inirapan pa kami bago tumalikot, nagmartsa pa.

"Halaka..." Pangongonsensiya ko kay Elijah na ngayon ay kamot ulo na lang ang ginawa. "Hindi ka na papansinin no'n." Pananakot ko.

Dahil masakit ang katawan ko, pinilit kong humakbang at sumunod kay Eiya, pero nung pagtalikod ko sa mga kasama ko at bigla na lang akong nahilo kaya naman napahawak ako sa  pader ng mall. Napapikit na lang ako dahil umiikot ang paningin ko.

Hindi ko alam pero malamig ang pakiramdam ko, parang ang lamig sa loob, malamang mall 'to eh, syempre may aircon, pero sa loob ko ang init.

Anak ng putakte! Nilalagnat yata ako.

May humawak sa siko ko kaya naman nagmulat ako ng mata. Si Vance pala yun.

"Oh, ayos ka lang? Lasing ka ba?"

"Oo... ayos lang! Masakit lang talaga ang ulo ko." Sabi ko.

"Patanggal mo muna, ilagay mo na lang ulit kapag hindi na masakit."

‘Yon tayo eh. Basta kalokohan ang galing-galing mo. Sarap mong ibalibag. Palagi na lang niyang sinasabi 'yan.

Kung hindi ako nahihilo baka nasapak ko na 'to. Huminga ako ng malalim bago tumayo ng maayos.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon