CHAPTER 25

26 5 0
                                        

Fight

HEIRA'S POV

Pwede bang ibalik ang oras?

Lunes na na naman kasi!

Kaasar.

Nag-ayos ako ng sarili ko, pinag-iisipan ko pa ng kung dadalhin ko ba ang bag ko o hindi, kuha balik kuha balik, gano'n!

Ayokong pumasoooooook!

"Anak, bilisan mo na baka malate kana!" Katok ni mommy sa pinto ng kwarto ko.

Sabi ko nga papasok na!

"Opo, lalabas na po!" Sagot ko.

Nakakain na 'ko kanina pa, maaga kaya akong nagising, ayaw pumasok pero maagang nagising, ayos ka rin Heira.

Kinuha ko ang bag ko tsaka nagpaalam na, pinagbaon pa 'ko ni mommy ng chocolates. Syempre tinanggap ko na, pagkain 'yon eh!

Sayang, bawal tumanggi sa grasya.

Lumabas ako tsaka sumakay sa bike ko, lumabas ako ng gate tsaka na nagpedal.

Feeling ko ngayon na lang ulit ako nakalaya...

Wow? Preso lang?

Pero gano'n talaga, ilang araw kaya akong nasa bahay na lang, hindi ako lumalabas, hindi ako nakapagbike ng ilang araw.

Sinalpak ko ang isang earphones ko tsaka nagmusic. Isang tenga lang syempre, trip ko lang, walang basagan!

[Now playing: With a smile by Eraseheads]

"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try..." Pagkakanta ko, feel na feel ko ang music.

Yung bang magbibisikleta ka ng umaga tapos yung malamig at fresh air pumapaspas sa mukha mo tapos may relaxing music tapos—

"Ang aga hoy! Nakakaabala ka sa mga natutulog!" Sigaw nung isang lalaking nadaanan ko, may hawak pang dyaryo.

Natutulog tapos may hawak ng dyaryo, aanhin niya 'yon? Pangpukpok?

"Tanghali na tapos tulog pa kayo..." Bulong ko na lang, hindi naman nila maririnig. Lumampas na 'ko sa kaniya eh.

"'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song..." Pagpapatuloy ko.

Nakalabas na 'ko sa gate ng subdivision namin, lumiko pa 'ko pakanan dahil doon ang daan papuntang campus.

"Let me hear you sing it
'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song..." Mas nilakasan ko pa, bahala na kung sinong makarinig.

"Ang pangit ng boses kung makakanta wagas."

"Oo nga mars."

"Hindi naman din maganda."

"Oo nga mars."

"Boses kambing ka ineng!"

"Oo nga mars."

Bulungan ng mga chismosa sa kanto, pero yung bulong nila parang may may microphone ang bibig, maririnig mo talaga.

Oo nga mars.

Ay!

Hindi ko na lang sila pinansin. Bahala kayo, maganda ako!

"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye
Let me hear you sing it—"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now