Tambayan
ZYCHEIA'S POV
"MS. SYLVIA!" Nagulat ako dahil sa sigaw na tawag ni ma'am kay Isha.
Lumingon ako sa kaniya na mababasa ang inis sa mukha niya tsaka ako tumingin kay Isha na nakakuyom ang kamao na nasa ere, nakaambang dumapo sa mukha ni Asher.
Anong meron?
Bumuntong hininga ng malakas si ma'am Alejandro, "come here in front." Utos niya kay Isha.
"P-po?" Utal na tanong ni Isha.
Kinakabahan siya. Ewan ko pero 'yon ang nakikita ko sa mukha ni Isha, sa mukha niya, parang hindi pa siya makapaniwalang nasigawan siya ni ma'am.
"Pumunta ka dito sa harap." Utos niya ulit kay Isha ng hindi ito sumunod sa unang utos niya. Bumaling siya si ma'am sa'min. "Your time is up, tumingin na kayo sa harap."
Nagsimula siyang humakbang, mabagal bago siya nakapunta sa harapan, inilibot niya ang paningin niya — tinitignan ang reaksyon ng bawat isa.
Noo pa ay gan'yan siya, tumitingin siya sa mga reaksyon ng iba kapag napapahiya na. Ako naman ay kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Parang pati ako ay nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon.
"What you did before was a violation, I will now ignore what you did as long as you read them." Turo ni ma'am sa mga nakasulat sa board. Lumapit siya kay Isha, malapit na malapit. "Read them FAST and CORRECTLY." Pagdidiin niya sa mismong mukha ni Isha. Nakita ko ang pag atras at malaking paglunok ni Isha.
Pinagpapawisan na rin siya, ang mga kamay niya ay nanginginig na, parang hindi na tungkol 'to sa pinapagawa ni ma'am, parang iba na.
Tumingin siya sa board, napangiwi na lang siya, mukhang nahihirapan na. Kahit ako naman ay nahihirapang basahin ang nakasulat.
"Number one, nyumonol—!" Napahawak siya sa sentido niya kaya hindi niya na nagawang ituloy ang binabasa niya.
Ang kasunod na nangyari ay bumagsak na lang siya sa sahig, walang malay at namumutla. Dahil sa takot ko ay agad akong napatakbo sa kaniya, nilapitan ko siya at gano'n na lang ang kaba ko ng makita kong dumudugo ang ilong niya.
Kaya ayaw na ayaw niya ang english subject eh!
"Isha..." Tinatapik ko ang pisngi niya.
Namumutla siya at pawis na pawis.
"Isha, gising..." Pag uulit ko.
Lumuhod ako at binuhat ang ulo niya, bahagya ko pa siyang niyugyog pero tinigilan ko rin, baka makasama pa lalo sa kaniya.
"God..." Napapasapong noong sabi ni ma'am, "dalhin niyo siya sa clinic, baka ano pang mangyari sa kaniya." Utos niya.
Pero walang nakinig sa kaniya, naghihintay akong may tumulong sa 'kin pero wala, nakatingin lang silang lahat sa'kin.
"Ano na? D'yan na lang kayo?" Inis na tanong ko.
Lumapit si Vance sa'kin tsaka binuhat si Heira, pumunta kami kaagad ng clinic para matignan siya.
Pinahiga siya sa hospital bed tsaka nilapatan ng paunang lunas gaya ng cold compress.
Ang sabi ng nurse, mukhang irritation raw ang dahilan ng pagdugo ng ilong niya, ang pagkakahimatay naman daw niya ay dahil sa nalipasan si Heira ng gutom at mukhang pagod raw ito.
Ang sabi ni Dr. Chet ay ayos na siya, wala na kaming dapat ipag aalala, hintayin lang daw namin siyang magising dahil kailangan niya pahinga — pagod daw ang katawan ni Heira.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
