Kuyang kargador
HEIRA'S POV
"Knock, knock." Imbis na kumatok ay nagsalita na lang si Lucas.
Ilang minuto lang kasi nung matapos kumanta si Adriel, dumating sina Lucas. May dala siyang tray, kasunod niya rin pala ang ilang crew. Talagang pinahatid nila rito ang pagkain nila ah.
Pain! Pricking! Hurt! Aching!
Nararamdaman ko ang pagpintig ng ulo, pagkamulat ko kasi ng mga mata ko ay parang binibiyak ang ulo ko. Hindi ko alam pero biglang sumakit.
Feeling ko bumubukas ang bungo ko dahil sa sakit. Palihim kong hinawakan ang ulo ko at hinilot-hilot ang sentido. Hindi nawala ang sakit kaya naman sinabunutan ko na ang sarili ko. Baliw na kung baliw! Masakit talaga!
Ang ibang hibla ng buhok ko ay nahulog at natakpan ang paningin ko pero hinayaan ko na lang. Mariin akong napapikit nung makaramdam ako ng pagkahilo.
Gusto kong mahiga at magpagulong-gulong na lang sa kama at matulog buong maghapon, magdamag, para lang mawala 'to!
"Napa'no ka?" Bulong sa 'kin ni Adriel.
Umiling lang ako bilang sagot, ni hindi ko na nga mabuka ang bibig ko, pakiramdam ko, kapag binuksan ko ang bibig ko ay mahihila ang ulo ko tapos sasakit ng sasakit 'yon.
"Masakit ulo mo 'no?" Talagang nilakasan ni Eiya ang tanong niya.
Wala na! Sayang lang yung mga galawang palihim ko para hindi ako mahalata ng iba dahil sa bunganga netong isa. Gusto ko siyang sabunutan ngayon!
"Gutom lang yan!" Sagot ni Xavier.
"Baka kulang ka sa tulog?" Tanong ni Asher.
Mas mukha ka pa ngang kulang sa tulog sa 'kin tapos ako tatanungin mo niyan, kung kulang ako sa tulog edi sana naghanap na 'ko ng kape!
"Patanggal mo yang ulo mo tapos ibalik mo na lang kapag hindi na masakit!" Sangit netong hapon na hilaw.
Nice answer. Very good choice of words. Parangalan ang batang 'to, napakatalino. Ngumiwi ako dahil sa sagot niya. Mag susuggest na lang siya, kalokohan pa.
"Pahingi nga ako." Bulong ko kay Eiya, wala kasi kaming pagkain netong isa dahil hindi naman kami kasama sa mga binilhan ni Lucas. Dapat pala nagpabili na rin ako.
"Bili ka." Sabi niya at nilayo ang plato niya sa kamay ko.
Hindi pa nga ako nakakakurot sa manok niya, nilayo niya na! Hindi ko naman kasi uubusin 'yon! Para tikim lang!
Lumapit ako kay Alzhane, "patikim ako." Bulong ko.
Sumimangot siya. "Ang onti na lang oh." Sabi niya. No choice ako, baka umiyak pa.
Sa isa naman ako lumapit, kay Hanna pero bago pa 'ko nakakayuko ay agad na silang tumayo ni Trina at lumayo sa 'kin.
"Ang dadamot niyo!" Sabi ko. Sinubukan ko namang lumapit kay Kenji pero ubos na ang pagkaing nasa plato niya. Ang bilis naman?
Nakita ko rin ang paglunok ni Adriel habang nakatingin sa mga kumakain. Kung bibili pa kasi kami ay siguradong hindi na kami makakakain, konting oras na lang at oras na na naman ng klase!
Lumapit naman ako kay Asher, sigurado akong bibigyan ako neto. Marami naman siyang pambili kaya sigurado akong hindi niya ko pagdadamutan.
"Pahingi." Sabi ko habang nakapalad.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
