Hindi pwede
HEIRA'S POV
Ano ba kasi 'tong naisip ko na 'to? Bakit ba nagpauto ako kay Eiya! Ang lakas ng kalabog ng puso ko ngayon. Sana lang ay hindi 'to lumabas sa ribcage ko.
Nang sabihin ko ang mga 'yan ay hindi ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya ako. Hindi siya nagsalita o nagreact man lang kaya naman dahan-dahan akong tumingala at tinignan ang mukha niya.
"W-what did you say?" Tanong niya bago ako nginitian ng matamis.
Nakahinga ako ng maluwang dahil sa pag-ngiti niya, akala ko magagalit siya sa 'kin. Hawak niya pa rin ang baba ko kaya naman para akong kinukuryente sa ginagawa niya.
Hindi ko lang pinapahalata pero kinakabahan ako ng sobra, namumuo na nga ang pawis ko sa noo, isabay mo ang panginginig ng kamay ko.
Dahan-dahan niyang binitawan ang baba ko habang nanlalaki ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumawa niya ng bahagya tsaka niya ginulo ang buhok ko bago tumingin sa malayo.
"Hindi mo 'ko pwedeng magustuhan." Sabi niya, hindi ko alam kung hangin ba ang kinakausap niya.
Tumabingi ang ulo ko dahil sa sinabi niya, sinisipat ko ang mukha niya kung ayos lang ba siya. Malapad naman ang ngiti niya pero bakit gano'n ang sinabi niya?
Pinagtitripan ba 'ko neto?
"H-ha?" Tanong ko sa kaniya.
"You can't like me." Pag-uulit niya, baritono na ang boses niya.
"Bakit naman?" Ngumuso ako pero agad ding napawi 'yon ng tignan niya 'ko sa mata. "I-ibig kong sabihin... u-uhm... bakit hindi kita pwedeng magustuhan?"
"Basta hindi pwede." Nawawalang pasensyang aniya.
Sumimangot ako, ngayon na nga lang ako nagkagusto tapos ganito pa ang nangyari. Shocks, nakakahiya naman!
"Bakit nga hindi pwede, wala ka namang girlfriend tapos wala ka rin yatang nagugustuhan. Tapos ako crush lang naman kita, pwede naman sigu—!"
"I'm a gay."
Natigilan ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Napanganga na lang ang ako at napakurap ng ilang beses dahil sa pag-amin niya.
A-ano raw?
"A-anong s-sinabi mo?"
Tumawa muna siya, natural na tawa. Buti pa siya nakakakatawa kahit sa ganitong sitwasyon, ako nga ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil do'n sa narinig ko.
"I'm a gay, bakla, silais, part of LGBTQ, malambot, pepper!" Parang napapagod na sabi niya, sumesenyas pa siya at kumukumpas sa hangin, lumiit na rin ang boses niya na parang babae.
Natawa na lang ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa boses. Inipit niya talaga 'yon. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking espasol na ubod ng gwapo na crush ko ay pepper pala.
Teka nga!
"Anong pepper?"
"Hello?! Paminta, ang slow." Sabi niya pa tsaka pumilantik ang daliri sa hangin.
"T-totoo ba yung mga sinabi mo?"
"Oo naman, bakit naman ako magsisinungaling?"
"B-baka kasi nagbibiro ka lang." Nahihiya pa 'kong tumawa.
Awkward.
"Hindi kaya!"
"Pero bakit kapag ano, alam mo na... kapag sa maraming tao ang straight mo?" Hindi ko intensyon na insultuhin niya, nirerespeto ko kung ano siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
