CHAPTER 111

27 2 0
                                        

Attracted

HEIRA'S POV

"Aangal ka pa ba?" Maangas na tanong niya.

"H-hindi na." Sagot ko tsaka ko hinawakan ang mga kamay niyang nasa pisngi ko. "B-bitaw na hehehe."

Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. Nanlalamig nga ang kamay ko dahil sa ginagawa niya eh! Bakit ba may pananakot pang kasama kapag nagrereview? Nakakadagdag ba 'yon ng IQ?

Binitawan niya rin ako ng kumurap-kurap ako. Umupo siya ng maayos tsaka nagcross arm

"I'll ask you 20 questions—!"

"WHAAAAT?" Angil ko kaagad. "Bakit 20? Yung akin 10 lang ah!"

"When you said 10 questions you will ask did I complain?"

Nakasimangot na lang at ako tsaka umiling. "Pero bakit ba kasi ang dami! Ang daya mo ah!"

Ngumisi siya. "It's your fault. you can ask many questions but you said you will only ask ten. You should have added that so you don't complain about it."

Tinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko sa sinasabi niya. Hindi naman ako mananalo sa kaniya, ang dami niyang palusot!

"Okay. Okay. Ang dami pang sinasabi..." Bulong ko sa gilid ko.

"May sinasabi ka?" Mataray na tanong niya.

"Wala... wala, sige lang, d'yan ka muna ha, magbabasa lang ako!" Sarcastic na sabi ko sa kaniya.

"Ten for chemistry and 10 for math."

"ANO?! Ang daya mo naman! Yung sayo chemistry lang ah?!"

"Again, it's your fault. Pwede ka namang magsabi ng ibang subject pero you prefer to do review about chemistry." Sabi niya, parang gusto niya na akong batukan eh!

Napasapo na lang siya ng noo at umiling-iling. Ako naman ay kinuha ko ang math book ko, buti na lang at nasa nadala ko kanina yung libro kung hindi ay baka mamula na lang ang noo ko dahil sa pitik netong hudlong na 'to.

Una kong binasa ang chemistry.

"Ano bang itatanong mo? Para alam ko ang sagot." Sabi ko.

"Secret, read." Aniya tsaka tinuro ang notebook.

"Ang dami neto eh! Papatulugin mo ba 'ko?" Inis na tanong ko.

"Nope. We're having a review. Basahin mo lahat, matatandaan mo naman siguro ang lahat ng 'yan dahil mabilis ka makapick up." Sabi niya tsaka tumingin sa libro. "I'll give you 10 minutes."

"10 MINUTES?!"

"Yes. Timer starts now." Sabi niya pa! "‘Wag ka ng mareklamo dahil mauubos ang oras mo."

Inilabas niya ang cellphone niya at naglaro ro'n. Ako naman ay nag-umpisang magbasa, bahala na kung hanggang saan ako matatapos para sa pagbabasa. Limang minuto sa chemistry at limang minuto sa math.

Wala pa 'ko sa kalahati ay bumibigat na ang talukap ko! Sino ba naman kasing hindi maaantok kung ganito karami ang babasahin mo sa loob ng limang minuto.

Gamit ang hintuturo ko at hinlalaki ko ay pilit kong binubuksan ang mga mata ko, hindi ako pwedeng makatulog dito.

"5 minutes and 34 seconds."

Anak ng...

Hindi man lang siya tumingin sa 'kin, may count down pala 'tong lalaki 'to, ultimo segundo ay alam niya. Kinuha ko naman ang math book ko na puro trivia ang laman! Buti na lang at walang mga formula'ng dapat tandaan.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now