Baby Maren
HEIRA'S POV
"ANSWER. MY. DAMN. QUESTION!" Pagdidiin ni kalapo sa mukha ko, diniro pa ang sahig.
Napalunok naman ako at napaatras ang ulo ko, sa mukha niya parang galit siya na naiinis. Ang kinis pala ng mukha niya 'no? Napakatambok nung Adam's apple niya.
Hindi ako sumagot buti na lang pumasok sa eksena si Alexis at Maren.
"Eto..." Lumapit ako sa kanila. "Baby Maren!" Sabi ko tsaka binuhat siya. "Hello baby Maren!" Sabi ko tsaka pinisil ang pisngi niya.
"WHAT?!" Sigaw nung mga kaibigan ko.
Hindi na 'ko nagtaka kung bakit hindi nakisigaw ang iba pang mga abnoy, syempre malamang kilala nila si baby Maren.
"Ano?" Natatawang tanong ko, eh kasi naman mukha silang gulat na gulat pagkakita nila kay Maren.
Tumingin ako sa iba, tumatawa na rin sila pwers sa leader na parang pasan ang mundo.
"Say hi to them baby Maren." Utos ko, tumawa naman ang bata tapos pumalakpak, kita tuloy ang gilagid niya.
Kumaway na lang siya sa kanila, mukhang hindi alam bigkasin ang sinabi ko, puro "Apapapa!" lang ang ang sinasabi niya. Ilang words lang ang alam niyang sabihin.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin!" Naiinis na sabi ni Eiya.
"Ang alin?"
"'Yan!" Turo niya sa bata, "wala kang sinabi sakin tungkol d'yan."
"Sinong ama niyan?" Tanong naman ni Kenji.
"Yung si—!"
"Parang hindi ka kaibigan! Hindi mo man lang sa'min pinaalam!" Pagmamaktol ni Trina.
Nagpipigil naman ng tawa ang iba.
"Eh, kasi naman—!"
"Bakit hindi mo sinabi sa kanila?" Tanong ni Alexis kaya nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata. Sira na ang ulo neto. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila may relasyon tayo?" Nakangising dagdag niya, do'n na talaga nanlaki ang mata ko.
"Ano bang sinasabi mo d'yan?!" Inis na sabi ko.
Baka paniwalaan na siya ng iba, hindi naman totoo 'yon!
"Baby..." Malambing kunyaring sabi niya, yinakap pa 'ko mula sa likod.
King ina feel na feel.
"Anong baby!" Inis na sabi ko, hindi ako sumigaw ha, baka mabingi 'tong kalong-kalong ko.
"Tangina niyo PDA 'yan!" Sigaw ni Xavier, hinayupak naman ginatungan pa ang kaibigan niya.
Umuusok tuloy ang ilong at tenga ng mga kasama ko, pinapaniwalaan yata talaga ang sinabi ng mga gunggong.
"Gusto mo na bang sundan si Baby Maren?" Tanong ni Alexis, nagsipagtaasan ang mga balahibo ko, sa mismong tenga ko kasi niya sinabi 'yon.
"BULLSHIT!" asik ng kung sino.
Gusto ko siyang sikuhin at bangasan ngayon din dahil sa kabalbalan niya pero nakayakap siya, kapag ginaw ako 'yon pwede kong mahulog si Maren.
"So... may anak na pala kayo?!" Tanong ni Alzhane, mas lalo akong nainis.
"Anong... anong anak ang sina—!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
