CHAPTER 71

37 2 0
                                        

Jogging

HEIRA'S POV

"KATAKO MO!" Singhal ko kay Kenji. Lunch time kaya naman kinakain niya ang pagkain ko.

Ilang saglit lang kasi nang maging translator ko si Adriel ay nagsidatingan ang mga ‘to. Sabay- sabay pa sila, yun naman pala kumain sila sa labas. Hindi man lang nila ako sinama.

Natapos ang klase pero lutang ang isip ko. Kahit isang salita yata tungkol sa discussion ay wala akong naintindihan. Naglayag sa isip ko ang mga kapampangan words, inuulit-ulit ko 'yon hanggang sa mamemorize ko.

Tinuruan pa 'ko ng ilang salitang kapampangan ni Adriel gaya nung lukluk ka” ibig sabihin daw nun ay “maupo ka” akala ko nga ibig sabihin non “luka-luka.”

Pinarinig niya pa sa 'kin yung kantang kapampangan na... teka lang, kantahin ko. Isipin ko muna yung lyrics.

♫♪  Oh, Jo, kaluguran daka... Kalugurang sobra-sobra... Kasara da ring mata... Pantunan daka. ♫♪

"Hoy!" Napatigil ako sa pagcoconcert ko nung sumigaw yung lima. Sabay-sabay pa talaga, gusto yatang basagin ang eardrums ko.

"Bakit ba sumisigaw kayo?!" Inis na sabi ko.

Binato ako ni Eiya ng isang fries. Sinapo ko naman 'yon. Sayang kaya. Kung ayaw niya, akin na lang.

"Hindi naman maganda ang boses mo, bakit ka bumibirit d'yan?" Tanong ni Alzhane tsaka tumawa ng malakas.

"Ginawa mo pa microphone ang kutsara mo!" Pang aasar ni Kenji.

Napatingin ako sa kamay ko. Oo nga 'no. Pero hindi ko na lang yun pinansin. Pake ba nila, gusto kong kumanta eh.

Tumawa rin siya ng malakas ng makita ang reaksyon ng mukha ko "Isaksak ko sa baga mo 'to." Pagbabanta ko sa kaniya.

Nakalimutan kong nasa canteen nga pala kami ngayon, kaya pala naramdaman ko ang titig ng iba. Bumubulong-bulong pa sila. Mga bubuyog kayo ha?!

"Nababaliw na yata siya."

"Makabasag eardrums."

"Makabirit naman siya akala mo naman kagandahan ang boses."

"Feeling stage, girl?"

"Sa'n kaya niya nakuha ang kakapalan ng mukha niya?"

Sayo! Sayo ko nakuha ang kakapalan ng mukha ko! Nakita ko kasi ang nagsalitang 'yon, nakatingin pa siya sa 'kin na parang nandidiri. Mas makapal naman make up mo kaysa sa mukha ko.

"Tsaka ‘te! Bakit pang-chinese ang kinakanta mo?" Tanong ni Trina.

Pang-chinese ba yun? Akala ko ba pang-kapampangan? Kapampangan yun, hindi lang talaga nila naiintindihan.

"Kapampangan kaya yun!" Pangungumpirma ko sa kanila.

"Kapampangan?!" Tanong nila in unison. Bakit ba lagi silang sabay-sabay ngayon? Groupings day ba ngayon?

Tumango na lang ako sa kanila tsaka kumain.

Baka gusto rin nilang matutong magkapampangan, pwede ko naman silang turuan. Marami na 'kong alam. Pati nga kanta alam ko na.

"Kanino mo naman natutunan yon, ate?" Tanong ni Hanna.

"Kay Adriel." Simpleng sagot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora