CHAPTER 97

23 2 0
                                        

(A/N: Sa part na 'to ay baka malito kayo. Yung mga nakabold at italicized ay mga lyrics ng kanta, ang mga words na naka-italicized lang ay mga flashbacks, hope u understand, mwa :> )

*****

Memories

SHIKAINAH'S POV

Nakaupo ako ngayon sa isang silya sa harap nila, hindi ko alam kung pa'no akong magrereact ngayon dahil marami ang nakatingin at kakatapos lang nung nangyari kahapon. Ayaw ko lang na may magsabi sa 'kin na malandi ako dahil iba-iba ang mga lalalaking nanghaharana sa 'kin.

Isa pa, si Xavier 'to... siya ang kumakanta, sila ang nag-ayos, sila ang may pakana. Hindi ko alam kung mata-touch ba 'ko sa kanila o hindi dahil nahihiya ako.

Sa kabila ng mga pinakita kong mga pagsusungit at pagtataray ay nagawa nila akong tulungan at iligtas... ilayo sa mga tinuring kong kaibigan.

Hindi ko alam na umaagos na pala ang luha ko kahit hindi pa siya nagsisimulang kumanta... ang sarap sa pakiramdam pero may kung ano sa loob ko na ayaw tanggapin ang nangyayari ngayon.

Natatakot na ang puso ko na mahalin siya ulit gaya ng pagmamahal ko noon sa kaniya... natatakot na 'kong masaktan ulit at maiwan dahil sa maling mga hinala at kawalan ng tiwala. Napapikit ako ng maramdaman ko ang lamig ng boses niya. Biglang bumalik ang lahat ng nangyari sa 'min.

♫♪ We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine ♫♪

"Inah, nakita mo na ba yung lalaki sa fifth section?" Tanong sa 'kin ni Madison.

Nasa library kami ngayon at nagbaba o sabihin na nating ako lang ang nagbabasa dahil hindi iyon hilig ni Madison, hilig lang naman neto ang maghanap ng mga clips at mga ponytails sa internet.

"Hindi eh, hindi rin ako interesadong tignan siya." Walang pakealam na sagot ko, kailangan ko munang magfocus ngayon dahil malapit na ang exams.

Hindi ko yata kayang makita si mama na umiiyak nananaman dahil hindi ako pasado, sigurado akong papagalitan ako ni papa kapag nagkataon.

Nasa grade 9 na kami ngayon, buti nga at nakakapasok ako sa isang mamahaling eskwelahan, buti na lang at napilit ni mama si papa na dito ako pag-aralin kahit na may kaya kami ay ang hirap ding bayaran ang tuition fee rito.

"Halika rito, papakita ko dali!" Aniya, sumenyas pang lumapit ako sa kaniya kaya iyon ang ginawa ko.

Binaba ko ang hawak kong libro bago ako tumingin sa hawak niyang cellphone, mukhang mamahalin nga 'yon, ako? Hindi ko masyadong ginagamit ang cellphone ko, kung gagamitin ko man ay para magtingin at makinig ng mga music habang nagbabasa.

"Eto siya oh! Pinakita lang sa 'kin nung maharot na Audrey yang picture niya, crush niya raw. Halatang ayaw naman sa kaniya netong lalaking 'to, ang harot kaya nung babaeng yun, inuulit-ulit pa ang sinasabi ko minsan." Parang iritableng sabi niya.

Natawa ako dahil sa itsura niya. Mula grade 7 ako ay siya lang ang kaibigan ko rito sa Brently Austria University. Hindi ko alam, basta ayos na sa 'kin kahit isa lang ang kaibigan ko.

Pinahawak niya sa 'kin ang cellphone niya, kinuha ko naman 'yon at nakita ko ang isang lalaking malachinito... gwapo.

♫♪ Now you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No! ♫♪

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon