CHAPTER 113

25 2 0
                                        

Meet him

HEIRA'S POV

"Salamat sa paghatid, naabala ka pa tuloy." Sabi ko kay Eiya.

Nasa harap na kami ng bahay, bumaba pa siya ng kotse para lang alalayaan akong makababa, gusto pa nga niya akong ihatid sa loob pero sinabi kong kaya ko naman.

"Ayos lang, patingin mo kay tita yang paa mo, baka napilayan ka." Sabi niya.

"Hindi naman doctor si mommy," sabi ko tsaka tumawa.

Habang nasa byahe kami kanina ay pinag-uusapan namin yung tungkol sa bago naming kaklase, nakakapagtaka lang na ang tagal na nung mag-umpisa ang klase pero ngayon pa lang siya papasok.

Iyan ang sinabi sa 'kin ni Eiya, narinig niya lang daw 'yon sa iba. Galing daw sa ibang bansa yung magiging kaklase namin. Ang akala mo ay nag-aaral siya ro'n tsaka lang ililipat sa university'ng pinapasukan namin.

Mukhang late enrollee siya kaya gano'n. Napaisip lang ako, bakit sa section namin siya dederetso, pwede naman siya roon sa ibang section, baka manibago lang siya sa mga kaklase niya.

Baka nga mabigla pa siya dahil isag gang ang mga kaklase niyang lalaki. Hindi pa naman kami sigurado kung babae ba 'yong bago o lalaki.

Ang shunga kasi ni Eiya, nakikichismis na lang siya hindi pa niya inigihan sa pakikinig. Curious tuloy ako, isinama rin kaya siya ni dean sa 'min para tulungan yung mga hudlong na magseryoso sa pag-aaral.

Sana lang ay hindi makahalata si Dean Lucencio sa 'min dahil imbis na pabaguhin namin sila, parang lumala pa ang ginagawa nila dahil sa kinukunsite namin sila. Nakikisama lang naman kami.

Mas nakakaenjoy kasing mag-aral kung hindi lang puro libro ang pinag-tutuunan namin ng pansin, may masaya talaga kapag may baliw na kaklase, panay ang tawa.

Yung sa sobrang kalokohan namin ay nakakalimutan na naming may exams pala, pati pagrereview ay ginawang free time. Sana lang ay pumasa ang mga scores namin. Baka bigla na lang kaming mangitlog sa resulta.

Ibinaba nung driver nila ang bike ko at itinayo palapit sa gate. Nakakahiya naman kung sasabihin kong 'ipasok niyo na lang po sa loob ang bike, hindi ko naman po nabubuhat 'yan.'

"Ayaw mo munang pumasok sa loob?" Tanong ko kay Eiya.

"Hindi na, kailangan kong umuwi ng maaga, tatapusin ko pa yung novel na binabasa ko." Sagot niya bago tumingin sa likod ko.

Narinig ko ang pagbukas ng gate namin kaya naman tumingin ako sa likod ko. Iniluwal no'n ang mommy kong may dalang towel.

"...Ayan na pala si tita." Sabi ni Eiya tskaka bumaling kay mommy. "Hi tita! Long time no see po ah." Sabi niya tsaka nagmano kay mommy.

"Oo nga, hija! Namiss kita, Zychi!" Sabi niya, niyakap niya pa si Eiya at hinalikan sa pisngi. "Buti at napadaan ka?"

"Hinatid ko lang po si Isha."

"Bakit? Sira ba ang bisekleta niya?"

"Hindi po. Sira po ang paa niya." Sagot niya tsaka tumawa.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata at bahagyang kinurot ang tagiliran niya para manahimik siya. Pero mas lumakas lang ang pagtawa niya.

Napatingin tuloy si mommy sa paa kong may benda. Nasa bag ko pa nga yung isa kong medyas, hindi ko na sinuot.

"Napa'no iyan?" Tanong ni mommy habang tinuturo ang paa ko.

"Natapilok po ako kanina sa may hagdan natin."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon