CHAPTER 114

25 2 0
                                        

Zycheia vs Chadley

HEIRA'S POV

"D'yan kasi ako nakaupo pero ayos lang dito na lang ako." Sabi ko ng makita kong matigilan siya dahil sa pagsasalita ko.

Nanlalaki ang mata niya at nakaawang ang bibig niya. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Maging sina Xavier at Vance ay nagtatakang nakatingin sa itsura niya.

"Sige, d'yan ka na lang umupo," sabi ko roon sa lalaking transferee nang hindi pa rin siya sumasagot sa 'kin.

"‘Dre, kalabitin mo nga, baka na love at first sight na siya kay Yakie." Bulong ni Xavier kaya naman sumama ang mukha ni Vance.

Ano nananaman kaya 'to?

"Hoy! Magsalita ka, aba! Porke galing ng Italy napipi ka na?" Sabi ni Vance at nag-snap sa harap nung lalaki.

"Hayaan mo na, Vance. Mukhang nag-eenjoy na siya sa upuan ko. Dito na lang ako sa tabi ni Kenji." Ani ko.

Akmang hahakbang ako ng tumayo ang lalaki at hawakan ang palapulsuan ko. Kaagad ko namang binawi 'yon dahil pakiramdam ko ay nanlamig ako dahil sa balat niya.

Pamilyar.

Pamilyar ang hawak niya pero hindi ako sigurado at hindi ko maalala kung kanino o saan ko naramdaman ang balat niya.

Ngayon ko pa lang siya nakita. Hindi ko siya mamukhaan kaya sigurado akong ito ang unang beses na magkita kami pero bakit ganiyan ang tingin niya sa 'kin?

"H-Heira..." Sabi niya na para bang sobrang lungkot ng boses niya.

"B-bakit mo alam ang p-pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko ng makita kong namamasa ang mga mata niya. Iiyak ba siya sa harap ko? Bakit?

"Heira... ikaw nga! A-ang tagal bago k-kita ulit nakita!" Sabi niya na siyang ipinagtaka ko talaga.

"N-nagkita na ba tayo? Baka h-hindi ako 'yon. B-baka namamalikmata ka lang."

"No one knows how much I miss you!" Naiiyak na sabi niya at bigla niya na lang akong niyakap.

"Huy! Chadley! Nananantsing ka ah!" Bulyaw ni Xavier.

"A-ah, ano.. h-hindi k-kita kilala eh." Sabi ko sa kaniya, mas humigpit ang yakap niya.

Tumingin ako kay Vance at gamit ang mga mata ko ay humihingi ako ng tulong sa kaniya para aluin 'tong lalaki, masyado kasing mahigpit ang yakap niya kaya para akong napitpit.

"H-Heira... love." Aniya na siyang ikinagulat ko.

"Xav..." Pagtawag ko sa hudlong na pinagtatawanan si Chadley?

'Yon kasi ang narinig kong sinasabi ni Xavier kanina. Baka Chadley nga ang pangalan niya. Ngayon ko lang napansin na matangkad siya kaya naman nakayuko pa siya habang nakayakap sa 'kin.

"A-alam kong hindi mo 'ko n-natatandaan pero h-hayaan mo muna akong yakapin ka ngayon. A-ang tagal na nung h-huli tayong nagkita." Sabi niya tsaka suminghot.

Wala akong choice kung hindi ang yakapin siya pabalik gamit ang isang kamay. Hindi ko yata kayang gamitin ang dalawa kong kamay dahil naiilang ako sa ginagawa niya.

Hinagod ko lang ang likod niya habang siya, sinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. May nararamdaman nga akong basa sa leeg ko, sana lang ay luha 'yon at hindi sipon.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now