CHAPTER 20

31 4 0
                                        

Chocolate

HEIRA'S

"Yaaaawwwwn!"

Gusto ko pang matulog, ang sakit ng ulo pati na katawan ko. Pero hindi ako naglasing!

Alam niyo yung feeling na, tamad na tamad kang bumangon, kapag tatayo kana hinihila ka pabalik ng kama. Yung mga talakap ng mata mo ayaw bumukas, pero dahil may klase ako ngayon kailangan kong bumangon!

Late na rin kasi kaming nakamuwi kagabi, isa isa naming binuhat ang mga binili na 'min pasakay ng kotse, eh ang dami no'n.

Hinatid ko pa si Rolen pabalik ng bahay nila, malayo layo kasi 'yon, ang ingay pa naman ng mga kasama ko, wagas kung makabirit.

Gusto raw sumama ni Kenji sa paghatid sa anak ni Aling Soling kaya ayon, buong byahe maingay kami, pati ako napapakanta na dahil sa kanila. Ewan ko lang kung hindi sumakit ang tenga ni Aling Soling.

Sunod naman ay hinatid na 'min si Kenji, isang subdivision lang ang layo ng bahay nila sa bahay na 'min, bumaba pa 'ko ng kotse no'n para Ihatid siya sa gate nila pero bumungad sa 'kin yung ate niyang kung makatingin ng masama ay akala mo ang laki ng atraso ko sa kaniya. Inirapan niya pa 'ko.

Sunod kong hinatid si Eiya na mukhang lantang gulay din kagaya ko, nagpaalam lang kami sa mama niya, saka kami umuwi ng bahay.

Gusto ko pang matulog!!

Yan ang inisigaw ng utak ko. Isa pa, ayaw ng katawan ko na pumasok dahil alam kong makikita ko lang 'yung pesteng kulapo na 'yon!

Pero kailangan kong bumangon dahil may pasok, baka palipitin ako ni mommy kapag hindi ako pumasok.

Nag-ayos ako ng katawan saka bumaba para kumain, katapos no'n ay pumasok na 'ko sa eskwelahan.

Nasa parking lot pa lang ako, kita ko na ang mga malas sa buhay ko. Sabay na pumasok sina Kayden, si Adriel saka si Maurence. Inihahagis pa ang susi sa ere habang naglalakad.

Kayo na ang may kotse!

Buti na lang nasa likod nila ako, mukhang hindi naman nila ako napansin dahil may mga kasabay pa kaming ibang estudyante.

Sigang siga pa sila kung malakad, hindi pa sila nakacomplete uniform, si Kayden tsaka si Adriel nakasando lang saka pants, si Maurence naman, naka polo lang walang blazer na suot saka nakapants.

Hari yata ang mga 'to eh.

Nakapasok kami ng university ng hindi nila ako napapansin, salamat naman para do'n baka bigla na lang nila akong dakmain tapos ilagay ulit sa ring.

"Isha!" Sigaw ni Eiya, kaya ayon napalingon sa 'kin ang tatlong tukmol.

Hindi na nila ako pinansin, derestso pumasok nila sa room. Tsh, sungit.

"Good morning!" Bati ko sa kaniya.

"Good morning din!" Bati niya.

Pumasok ako sa room, inilapag ko muna ang bag ko sa upuan ko saka 'ko pinuntahan ulit si Eiya.

Chismisan ulit.

"Hi, Hanna." Bati ni Kenji, bati pa lang 'yon pero parang siya ang kinikilig sa sarili niya, namumula pa.

"Good morning, Kenji..." Bati naman ni Hanna, kaya ayon ang bata parang babaeng kiniliti, tumili pa.

"Good morning, Hannamiloves." Bati ni Kenji, halos mawala na ang leeg dahil sa taas ng balikat niya.

"Good morning sa inyo." Baling  sa 'min ni Hanna.

"Hep , hep, hep!" Sabat ni Trina, hinarang niya pa ang dalawang braso. "Good morning ebrebadeh!" Dagdag niya, bigay na bigay.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now