ALEXIS'
HEIRA'S POV
"Let's go?"
Tumango ako sa kaniya, sana lang talaga ay may mapala kami... ako kapag nakapunta at nakausap na namin si Alexis, sana lang talaga makapasok na siya after this.
Sana lang talaga, Alexis, valid ang dahilan mo. Pagbubuhulin ko ang kamay at paa mo kapag trip mo lang umabsent.
"Saan kayo pupunta?" Pagharang ni Kenji sa pintuan na dapat na dadaanan namin.
Tumingin ako kay Asher tsaka imiling.
"Wala, may pupuntahan lang." Simpleng sagot ko, hahakbang na sana ako pero mas humarang siya.
"Sama ako."
"Ji, hindi kasi pwede, importante kasi 'yon." Mahinanong sagot ko.
Hindi ko pwedeng isama si Kenji, baka kasi ano pang marinig niya at mamisunderstand niya pa 'yon, tsaka sa daldal pa naman ng batang 'to, imposibleng hindi niya makukwento sa iba 'yong maririnig niya.
"Sama ako..." Sabi niya tsaka sumibi.
"Bawal talaga eh."
"Sasama ako!" Sabay kapit sa braso ko.
"Hey, kiddo... babalik din siya, hindi ko naman siya kikidnappin." Sabat ni Asher pilit na tinatanggal ang nakapalupot na kamay ni Kenji sa braso ko.
"Hindi! Sasama ako!" Pagpipilit ni Kenji, ngumuso pa!
"Kenji..."
"Sasama nga kasi ako!" Tsaka ko narinig ang paghikbi niya.
Lumingon ako sa kaniya, do'n ko nakitang namumula ang ilong, mata at tenga ni Kenji. Umiiyak na.
"Mabilis lang kami, promise." Nakangiting sabi ko tsaka ginulo ang buhok niya.
"Sasama nga ako sa inyo, siya isasama mo tapos ako hindi?!" Turo niya kay Asher na nakangiwi na pinanonood ang kadramahan ni Kenji. Nung umiling ako ay narinig ko agad ang paghagulgol niya.
"Why are you crying?" Tanong ni Asher kay Kenji, "stop it, ang tanda mo na!"
"A...yaw niyo kong i...sama!" Nasisinok na usal ni Kenji.
Kahit anong yapos namin, ayaw pa rin niyang bumitaw sa'kin, mas humigpit pa nga eh, gumagalaw ang balikat niya, nakita ko rin ang pagsingot niya.
"Kasi..."
"Magdadate lang niyan kayo!" Sabi niya 'yon tsaka nagpadausdos, sa binti ko siya kumapit!
"Ano ka? Matsing? Baba ka nga!" Pilit na iaalis ang katawan niya sa paa ko.
Tinignan ko yung iba, akala ko umuwi na sila pero heto kompletong kompleto sila, maging si Kayden ay nandito pa, pinapanood ang teleseryeng nangyayari ngayon sa 'min.
Sina Eiya naman ay kanina pa tawa ng tawa dahil sa ginagawa ni Kenji, nagtataka lang ako kung bakit hindi pa nila ako nilapitan at nagtatanong kung bakit nakakakapit sa 'kin 'tong matsing na 'to sa akin.
"Bitaw!" Naiinis na sabi ko, ang mokong mas lalong humagulgol.
"Sasama ako! Sasama ako! Sasama ako sa inyo!" Sigaw niya.
"Tanggalin niyo nga 'to!" Utos ko sa iba.
"Kaya mo na 'yan!" Sigaw nung isa sa kanila.
"Keribels mo na 'yan." Ani Trina at kumembot pa para tamaan ang bewang ni Eiya.
Walang gumalaw kung hindi si Asher, hindi niya rin natanggal dahil kinakalmot siya ni Kenji.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
