Bubbly face
HEIRA'S POV
Sa'n niya galing ang mga 'to?
Tanong ko sa sarili ko. Hindi lang kasi isa ang nakita ko kundi sandamakdak na pictures ko. Mukha ko yata ang pumuno sa space ng cellphone niya.
"A-ah... Chadley, e-eto na yung cellphone mo. S-salamat." Sabi ko, nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang cellphone niya.
"Tapos ka na bang maglaro?" Tumango naman ako. "Ayos ka lang? Parang namunutla ka."
"H-ha? Wala 'to. N-normal na l-lang sa 'kin ang gan'to." Paliwanag ko, ngumiti pa 'ko ng malaki, labas ngipin pa para lang maniwala siya sa sinasabi ko.
Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako namumutla. Wala naman akong sakit, mas lalong may dugo pa 'ko 'no. Umalis na kaagad ako sa harapan niya kahit hindi pa siya nagsasalita.
Umupo ako sa pwesto ko at tumingin sa bintana. May sampong minuto pa bago kami puntahan ng next teacher namin. Byernes ngayon pero wala kaming P.E class dahil wala kaming schedule no'n ngayong linggo.
Bakit nga ba may pictures ko siya?
Ang dami no'n, mula sa pinaka una hanggang sa dulo ay ako ang laman no'n. May mga litrato na 3 years ago na, may last year din base sa nakita kong date kung kailan naisave.
Ang ipinagtataka ko lang kung bakit siya meron ng kopya no'n, samantalang ako ay iilan lang ang litrato ko mula pa dati. Wala akong maalala na naglitrato ako sa mga lugar na pinuntahan ko sa mga pictures.
Mero'ng picture na nasa isang damuhan ako habang nakaupo. Nililipad ang buhok ko at nakatingin sa kawalan.
Mero'n din nung nakauniform ako, nakaupo sa lamesa habang nagbabasa ng libro. May dalawang bag sa tabi ko.
At ang pinakanakapagpakaba sa 'kin ay yung isang picture kung saan may kasama akong batang lalaking kaedaran ko lang nung panahon na 'yon.
Kumakain kami ng icecream, may icecream pa nga ako sa ilong, masama ang titig ko sa kaniya habang siya naman ay tumatawa sa harap ng camera.
Si C-Chadley ba 'yung kasama ko sa litrato?
Hindi ko na alam. Kung siya 'yon bakit... bakit kami magkasama? B-bakit kami nagsasaya? B-bakit hindi ko siya maalala? Sino ba siya sa nagdaang buhay ko?
Ang daming tanong na umiikot sa utak ko ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa sila nahihilo dahil sa kakaikot nila sa bungo ko.
Naghahanap pa 'ko ng pwedeng isagot sa mga nauna kong tanong. 'Anong mero'n sa kanila ni Eiya?'
May pictures din ba siya ni Eiya habang magkasama sila? Wala naman akong nakita pero malay ko ba kung mero'n pang ibang cellphone ang lalaking 'yon. Pero, baka nagkataon lang.
Baka nung kumakain ako sa ice cream parlor na 'yon ay nakiupo lang siya, baka... baka... baka yung iba kong litrato ay galing niya kay Eiya. Oo! O kaya naman sa social media.
Pero bakit niya naman niya kukuhanin ang mga 'yon at iniimbak sa cellphone niya? Anong balak niya?
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil gulong-gulo na 'ko sa mga nangyayari. Pwede bang time out muna? O kaya finish na para wala ng kasunod?
"AARRRGH! ANG DAMING TANONG!" Bago ko pa mapigilan ang bibig ko ay naisigaw ko na 'yon.
Lahat tuloy sila ay napatingin na lang sa 'kin.
"Huy! Napano ka?"
"Ay, nababaliw na."
"Sabi na eh, dapat talaga dinala na kita sa mental."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
