PROLOGUE

137 6 0
                                        

HEIRA'S  POV

Pagkatapos kong magbasa ay napagdesisyunan kong puntahan ko ang aking kakambal sa kwarto niya.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 7:00 pm pa lang, paniguradong hindi pa yon natutulog.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para puntahan ang kwarto niya.

*KNOCK!! KNOCK!! KNOCK!!*

Tatlong beses kong kinatok ang kwarto niya bago siya sumigaw ng...

"Pasok" malumanay na sagot nito na nagbigay hudyat sa akin upang tumuloy na sa kaniyang silid.

Pumasok ako at nakitang nagbabasa siya ng libro at nakaupo sa swivel chair niya sa kanyang study table. Iniangat niya ang kaniyang tingin sa akin at ngumiti.

"Oh why are you here Heira?" nakangiting tanong niya sakin. Ang galing at napakagaling niyang magsalita ng ingles. Bagamat tumira siya sa New York ay gano'n niya kabilis magaya ang accent ng pag iingles ng mga tao roon

"Don't you missed me huh?" nakangusong tanong ko sakaniya pabalik.

Ang totoo ay masaya ako sapagkat bumalik na ito sa amin ngayon, masaya ako... kami ni mommy na makakasama na ulit namin siya.

Tumayo siya at ngumiti ng pagkalaki laki at niyakap ako. Nabigla pa ako sa kaniyang ginawa dahil hindi ko ito inasahan. Nang matauhan ako ay saka ko siya niyakap pabalik.

"Ofcourse I missed you, you're my cute  naughty twin" pang uuto pa nito sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi.

"Nakakaabala ba ako sa'yo mahal na prinsipe?" natatawang kantyaw ko sa kaniya.

"Hey, don't call me like that" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Hindi ka abala sa akin okay" dagdag pa nito. Ngumiti siya sakin na may kislap sa mata

"Are you staying here for good?" masayang tanong ko kay Kio. Umaasa ako na sana lamang ay "oo" ang magiging sagot nito sapagkat matagal tagal na rin noong huli itong nag stay sa'min.

"Yeah I think so" nakangiting tugon nito sa tanong ko. "Im planning to transfer to your school tommorow, inayos na ni mommy yung mga kailangan" sabi nito kaya naman nagliwanag ang mukha ko. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Tumatalon sa saya ang puso ko dahil doon.

Mula pagkabata'y malapit na kami sa isa't isa, marahil ay dahil kambal kami? hindi ko rin alam. Kahit pa noong nahiwalay siya sa akin upang magtungo sa ibang bansa ay malapit pa rin kami.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ito kaagad kaya naman hindi naipunto ngayon ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Halos ilang taon din kaming hindi nagkasama dahil naghiwalay ang parents namin at doon na siya nag aral  sa  New York. Sumama siya kay daddy ako naman ay namalagi sa puder ni mommy. Naging maganda naman ang buhay naming pare-pareho kahit sa puso ko ay parang may kulang. Sustentado pa rin kami ni daddy kahit hiwalay na sila ni mommy. May mga panahon din na nagbabakasyon dito si Kio kasama si daddy pero madalas ay si Kio nalang ang umuuwi dito para bisitahin kami.

Ngayong nalaman kong titira na siya sa amin ng matagalan ay parang hinaplos ang puso ko at naging masaya ako. May parte naman sa akin na ngungulila kay daddy at nag aalala ako dahil wala siyang kasama roon sa New York dahil nandito si Kio sa Pilipinas.

"Hey... hoy Hiera Yakiesha!" medjo naisigaw na bulalas ni Kio habang tinatampal ang noo ko, naramadaman ko naman ito kaya natinag ang pag eemo ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now