Rap
HEIRA'S POV
"Sa tambayan na lang tayo, puno na yung canteen." Sabi ni Trina, kasalukuyan kaming naglalakad papunta ng canteen.
"Pa'no mo naman nasabi 'yon? Eh ang layo pa natin mula sa loob oh." Sagot naman ni Vance sa kaniya.
Ako na lang talaga ang hinihintay nila kanina kaya nasa labas sila ng room. Ang sabi nila ay kanina pa raw nila ako sinisigawan pero wala akong imik, talagang nakatulala lang daw ako.
Si Kenji nga raw ay sinabunutan pa ako at kinonyatan pero hindi ko raw sila pinapansin. Hindi nga ako naniwala sa kanila pero nung pinakita nila ang picture ko habang nakanganga sa kawalan, do'n na 'ko naniwala.
Ano na ba kasing nangyayari sa 'kin?
Kasama pa namin yung tatlong hudlong. Si Vance na kanina pa inaasar at binubwisit si Trina na walang pakealam sa kaniya at hindi siya pinapansin. Si Xavier na kaholding hands si Shikainah while walking. At si Mavi na nakikipag pitik bulag kay Kenji.
Bahagyang dumungaw si Alzhane sa pinto. "Mukhang marami ngang kumakain ngayon, do'n na lang tayo sa likod ng building natin, mas presko pa ro'n." Sabi niya.
Nang makapasok kami ay sumalubong sa 'min ang iba't ibang tao. At iba't ibang amoy ng tao. May amoy araw, may amoy pulbo at pabango at may amoy kalibre kwarentay singko.
Tiis-tiis na lang muna kahit nakakamatay ang amoy dito sa loob, pigil hininga muna ngayon dahil makakalanghap naman kami ng fresh air mamaya.
Ang daming mga estudyante rito. Ang gaganda ng mga suot na uniform at mga accessories pero yung amoy nila, hindi talaga maganda.
"Mas lumaki talaga ang katawan niya ngayon!"
"Sheeesssh! Ang gwapo niya na dati pero mas gumwapo pa siya ngayon!"
"Iba talaga kapag natamaan ng glow up! When kaya!"
"Kung pupunta kaya ako ng Italy, pagbalik ko ng Pilipinas ay gano'n din kaya ang magiging kakalabasan ng mukha ko?"
"Asa ka! Kahit saang bansa ka pa pumunta, pangit ka talaga."
"Lamutakin ko yang bunganga mo eh!"
'Yan ang mga narinig kong pinag-uusapan ng mga nasa paligid habang nasa pila kami. Mukhang may bago silang topic ngayon ah. Kailangan ko lang talagang palakihin ang tenga ko para marinig sila.
"Bakit ba kasi bumalik pa siya ro'n sa Section na 'yon?"
"Hindi siya bagay sa mga basura!"
"Ewan ko ba kay Chadley, ayaw niya sa section na puno ng mga magaganda!"
"Maganda ka ba? Sa'n banda? Tsaka mero'n ka ba no'n?"
"Tangina ka!"
Sinong Chadley? Yung kaklase naming bago? Yung bagong hudlong? Ang daming Chadley na pangalan, baka hindi naman siya. Pero bakit ko ba pinapakealaman ang iba? Bahala nga sila kung sinong pag-uusapan nila.
"Miss! Ano pong order niyo!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw na 'yon.
Napahawak ako sa dibdib ko at medyo napatalon pa. Magtatanong na lang, kailangan pa talagang sumigaw?
Nang tumingin ako sa harap, wala na palang estudyante sa harap ko, ako na pala ang nasa harap ng cashier. Kanina lang ay parang nasa pinakadulo ko, pa'nong napunta ako rito?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
