Partners
HEIRA'S POV
Ang dami palang dumadaang sasakyan dito. May mga sports car, may hatchback, may sedan, may coupe at may convertible. Ang ganda! Halatang sasakyan ng mga mayayaman. Milyonaryo siguro ang mga may-ari.
Bago sa mga paningin ko ang mga 'yon, hindi ko naman kasi madalas pagmasdan ang mga kotseng dumadaan at nagpapark dito sa parking lot. Halos iba-iba rin naman araw-araw ang mga kotse, may factory yata sila.
Tutuloy na sana ako sa paglalakad ng may marinig akong tumawag sa 'kin.
"Good morning, Heira."
Napalingon ako sa nagsalita, si Asher na matamis na nakangiti.
"Espresso kape!" Bati ko at hinintay siyang makalapit. "Kaya mo pa ba?" Pang-aasar ko sa kaniya, natawa ako sa deal ni Adriel sa kaniya, halatang binibwisit 'tong isa.
No kopi for three days.
"Heira naman!" Naiinis na sabi niya, napahalakhak na lang ako sa kaniya.
Panay ang pang-aasar ko sa kaniya habang naglalakad kami. Hindi ko siya tinigilan habang makapasok kami ng B.A.U. Ayaw niya mang aminin pero halata namang nanghihinayang siya sa sinabi ng kaibigan.
Naawa naman ako sa kaniya dahil hilig niya 'yon. Paborito niya ang kape. Hindi ko nga mabilang ang mga iniinom niyang kape sa isang araw.
Pero kung yo'n na ang usapan, wala siyang magagawa. Hindi ko nga alam kung puyat ba siya kaya laging nagkakape o hindi nakakatulog dahil sobra sa kape.
Habang naglalakad kami ay panay ang pitik niya sa noo ko dahil naiinis na, kung hindi 'to titigil sigurado akong bakas na ang darili niya. Ginagantihan ko naman siya ng sapak sa braso o kaya naman ay hinihila ko ang patilya niya.
"Kilala mo pala si Nicho—! Heira!"
Bago pa kami makalampas sa main building ay may humila na ng braso ko at ng buhok ko.
"Aray!" Daing ko, kung makasabunot kasi parang matsing siya na walang makuhang kuto ulo ko.
"Bitawan niyo siya!" Pagsigaw ni Asher, gusto niya kong lapitan pero hindi niya magawa dahil sa maraming nanghaharang sa kaniya.
Kuyom na kuyom ang ang kamao niya kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang kilay niya at halos patayin sa titig ‘tong may hawak sa 'kin.
"You're a flirt!" Sigaw niya. Si Queen Bobowyowg 'to.
Anong kulay kaya ngayon ang mga clip niya? Makapal ba ang lipstick at makeup niya? Kasama niya ba yung mga alipores niyang clown?
"Nilalandi mo silang lahat!" Dagdag niya pa, "diba girls?"
"Oo, tama!" Boses maarte yung nagsalita.
"Right! Totoo 'yan!" Anas naman nung isa. Alam kong nasa likod o kaya gilid sila ni Madison.
"See... lahat na lang kasama mo! Hindi na nila kami pinapansin." Muling bumaling sa 'kin si Madison. "You're malandi!" Aniya pa.
Hindi ko na kasalanan 'yon kung hindi na nila kayo pinapansin kahit pa mukha kayong mga highlighter. Biruin niyo 'yon, kumikinang-ina na sila pero hindi pa rin sila makita.
Binitawan niya 'ko at hinarap sa kaniya, napahawak na lang ako sa ulo ko, papatayin ata nito ang mga anit ko. Tumaas ang kilay ko sa kaniya, bakit ako ang kinagagalitan ng mga 'to, at sinong nilalandi ko aber?
"Ano na na naman 'tong kadramahan niyo?" Malumanay na tanong ko.
"Hindi kami gumagawa ng kadramahan! Huwag ka ngang gumawa ng linya mo!" Inis na sabi ni Porpol. Para siyang avatar na kulay violet.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
