Chadley Rios Valencia
HEIRA'S POV
"Eto ba yung pwesto mo?" Tanong sa 'kin ng lalaki ng makabalik kami ng room.
Nasa harap nila ako ngayon, nakaupo siya sa tabi nina Vance at Asher. In short, sa pwesto ko. Wala na kasing bakanteng upuan sa tabi ng mga hudlong, nauna siyang pumasok kanina kaya akala niya ay walang nakaupo ro'n.
Humikab muna ako bago sumagot. Hindi naman ako puyat pero panay ang paghikab ko mula kanina pa. Sumobra yata ako sa hangin.
"Hindi na, d'yan ka na lang, do'n na lang ako." Sabi ko sabay turo sa pwesto na kanina ko pa tinuturo.
"Pero—."
"Ayos lang! D'yan ka na lang, baka magbago pa ang isip ko at paalisin kita riyan." Banta ko sa kaniya.
Mukhang nahiya naman siya dahil sa sinabi ko, ngumiti siya ng mataman at napakamot batok pa siya. Kinamot niya muna ang ilong niya bago tumango.
"Kung gusto mo naman sa pwestong 'to, aa—."
"Hindi na uy! Tabi kami ni Yakie!" Pagpuputol ni Kenji sa sinabi nung Chadley.
Hindi na 'ko nakapagsalita dahil hinila na lang ako bigla ni Kenji papaupo sa tabi niya na inupuan ko dati.
"Kilala mo 'yun?" Tanong niya sa 'kin.
"Sabi niya, siya yung bagong kaklase natin. Pwede pala yun 'no? Akala ko tayo lang ang inilipat dito."
Nagkibit balikat siya. "Malay ko, hindi ko naman hawak ang records ng school. Gusto mo, itanong natin kay dean?"
Umiling ako kaagad. "Hindi na, baka ibalik pa tayo sa mga section natin dati." Sabay pa kaming natawa.
Nag-unat-unat ako dahil parang nararamdaman ko ang katamaran sa katawan ko. Inaantok ako kahit kumpleto naman ang tulog ko. Pwede naman sigurong maidlip muna 'no?
May sinabi pa si Kenji, kung ano-ano lang 'yon, nagkukwento siya tungkol sa mga ginagawa niya sa tuwing walang pasok. Gusto ko man siyang pakinggan pero nilamon na 'ko ng antok.
Nakatulog nga ba ako? Bakit parang gising ang diwa ko dahil may naririnig akong mga nagsasalita sa paligid? Bakit may naaninag akong mga tao kahit nakapikit ako? Naiidlip nga ba ako o gising ako? Nanaginil ba 'ko o nasa reyalidad pa rin ako?
"...Can I court you?"
"....Heira, ‘wag ka ngang magselos! Ikaw kaya ang mahal ko!"
"...Tara ro'n tayo sa may ilalim ng puno! Makikita mo yung mga stars do'n."
"...Heira, sorry."
Napailing ako sa utak ko, hindi ko magalaw ang ulo ko o kahit ang katawan ko ay hindi ko maikilos. Kaninong boses nananaman ba 'yon? Bakit ba patuloy kong naririnig ang mga salitang 'yan?
"Good morning class!" Narinig kong pumasok si Sir Almineo pero hindi ko inangat ang ulo ko. "Oh, nandito ka na pala Mr. Valencia." Dagdag niya, wala naman akong kilalang Valencia kaya sigurado akong yung lalaki ang tinutukoy niya.
"Napaaga kasi, sir."
"Ganoon ba? Come here in front. Introduce yourself to your classmates, alam kong kilala mo na ang iba pero may bago pa kaya naman dapat ka nilang makilala."
"Oo nga po eh. Kaya wala dumami ang mga tao rito."
Edi nakapunta na siya sa room na 'to? Este sa section na 'to? Akala ko ba ngayon pa lang 'to pumasok dahil galing abroad? Huwag mong sabihing kaklase na nila dati ang lalaking 'yon?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
