His plea to her
HEIRA'S POV
"Isa pa?" Tanong nila.
"'Wag na! Halos maihi na 'ko sa inyo!" Sabi ni Eiya tsaka tumawa.
Ang mga loko, hingal na hingal, pawis na pawis — sino ba kasing nagsabing sumayaw sila? Ang sabi lang namin ay kumanta lang, tapos kanina hataw na hataw.
Nagpapacute pa sila, pinapasadahan ang buhok ng mga darili tsaka paniningkitan kami ng mata, feeling heartthrob lang?
"Kayo naman!" Utos ni Xavier pagkatapos nilang umupo.
"Mukha kang bulateng sumobra sa asin kanina, Kenj." Si Mavi tsaka tumawa... ng malakas.
Kenj?
Bansot lang si Mavi pero ang tawa niya pang-higante, malaki tapos malakas, makabasag eardrums.
"Tama na nga kakatawa mo! Ang sakit mo sa tenga!" Reklamo ko sa kaniya.
Ang akala ko, titigil na siya, pero tinignan niya lang ako tapos tumawa ulit, pati tuloy kami natawa.
Alam niyo yung feeling na kahit walang nakakatawa ay matatawa siya tapos yung tawa niya ang makakapagpatawa sayo.
Intindihin niyo na lang. -_-
"Wala ng kakanta?" Tanong ni Hanna, umiling kami. "Sayang naman! Isa pa!" Pamimilit niya, lumabi pa.
"Sige 'te, ikaw na lang kumanta." Usal ni Alzhane. Nakataas pa ang kilay.
"Oo nga, mahaba pa oras na'tin oh?" Turo ni Vance sa kamay niya.
"Anong makikita na'min d'yan?" Nakangiwing tanong ni Eiya.
Sinong hindi mapapangiwi eh balat at buto pati na balahibo lang ang makikita mo sa kamay na tinuro niya.
"Oras! Tignan mo oh?!" Pagpupumilit ni Vance.
Nagkatanginan kaming lahat, sabay-sabay na sumulyap sa kaniya tsaka kami tumawa, akala niya ata ay may relo siyang suot, wala naman, naduling na yata siya kanina sa kakasayaw niya.
Wala kaming ibang ginawa mula kanina kundi ang tumawa ng tumawa.
Masaya kami eh, sabi nga ni Isay - "Happy lang."
"Dre! Wala kang relong suot!" Gatong ni Xavier.
Pinanliitan siya ng mata ni Vance tsaka tumingin sa kamay, nagulat pa siya dahil wala siyang suot na relo.
"Suot ko kanina 'yon ah!" Tsaka siya luminga linga sa tabi niya, naghahanap.
"Wala kang suot mula kanina." Sagot ni Trina.
Hmm? I smell something fishy huh? Siya lang ang nakapansing walang suot na relo si Vance na relo, hindi kaya... pinagmamasdan niya si Van—!
Binatukan niya 'ko. "Wag kang mag imagine d'yan, napansin ko lang kanina ang kamay niya!" Nakangiwing sabi ni Trina.
Akala ko ano na eh!
"Sinong kumuha ng relo ko?!" Bintang ni Vance, matalim na matalim na ang titig niya sa'min.
"Sinong kukuha no'n kung nakasuot sa'yo kanina edi naramdaman mo nang tinatanggal sa'yo!" Usal ni Alzhane.
"Van! Iniwan mo kanina sa locker! Sabi mo pa nga 'mamaya ko na susuotin 'to, maluwang masyado'." Pang gagaya ni Xavier sa boses ni Vance pero hindi niya 'yon nagaya, nagtunog parrot lang ang boses niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
